i am really considering Noynoy Aquino, to the point na gumawa ako ng dahilan kung bakit iilang lang ang bills niyang naipasa (ang salitang naipasa ditto ay binabanggit na malumay at hindi mabilis). Matagal nang malaya ang PIlipinas at sa buong kasaysayan na iyun ay parang naisulat na lahat ng batas na dapat masulat. Iilan na lang siguro ang magagawa at karamihan pa dito ay ukol sa makabagong technology at climate change.
Hanggang sa mapag-usapan namin ni Hasmin ang edukasyon ni Euan. (ito naman yung part na ide-debunk ko yung una kong statement na kinikunsidera ko si Noynoy) Gusto ni Hasmin na mag-aral si Euan sa Ateneo, mula sa preschool, gradeschool, hanggang highschool siguro. Hindi ko gusto iyun. Nag-aral ako sa Sto Nino Elementary School. Nag-highschool ako sa Roosevelt College Marikina. Sapat naman yung natutunan ko para makapasok sa UP. Hindi ako gumastos ng lalampas sa 1,500 taun taon para tuition, pero sapat naman ang natutunan ko para sa isang competitive na future.
I’m a proud graduate of a public elementary school. Gumigising kami nang maaga para linisin ang classroom at bakuran ng school at pag-uwian, may scheduled cleaners na nagtataub-taob ng mga desk para mawalis ang buong sahig. May schedule din kaming magtinda sa canteen. Gumawa kami ng yema, ng upuan, ng pamaypay, album ng mga simple machines, ng maskara, sumbrero, chaleko, ng parol na dinadala namin sa parada tuwing pasko sa buong barangay. Nanood kami ng sineskwela at film viewing ng Bawal na Gamot na sponsored ng DARE. May mga quiz Bee na nakakalaban namin mga tiga-Concepcion Elementary School, na may intermission number ng mga batang naka Filipiniana. Masaya noon mag-elementary sa public school. At gusto kong maranasan iyun ni Euan. Hindi ko alam kung anong memories ang maio-offer ng Ateneo, so ayoko silang i-judge. Or gusto ko din.
Umiyak si Hasmin. Hindi dahil tutol siya sa akin, kundi dahil binasag ko ang pangarap niyang bitbit na niya mula pa nung maisip niyang babae siya at maaari siyang magkaanak. Iyun ang pangarap niya, magkaroon ng anak na nag-aaaral sa Ateneo. Anak ko man iyun o hindi.
Hindi ko naman masisisisi si Hasmin kung gusto niyang makapag-aral si Euan sa Ateneo. Ang totoo, magandang-magandang idea yun. Ako man nung highschool, pangarap ko rin ang Ateneo. Kung ibinigay nga lang ng tatay ko yung Income Tax Return niya dati, e di sana, naging scholar ako sa Ateneo nung High School.
Pero hindi rin naman matatawaran ang High School ko. I’m a proud Roosevelt College Marikina graduate. Because I have no choice. I can never be a proud Ateneo Graduate dahil hindi nga ako nakapag-aral dun. Anyway, Scholar din naman ako sa Roosevelt at quality din naman. Hindi lang showy, dahil ang ipinagmamalaki naming alumni ay si Nova Villa
E ano ba’ng kinalaman nitong kasaysayan ng kabataan ko sa “MY GOD, SHARE YOUR PRIVILEGE NAMAN BILL?” wala lang. nagpa-praktis lang akong maging si Kris Aquino na kayang gawing ukol sa kanya ang lahat ng bagay, or kung hindi man sa kanya, sa pagtakbo ng kapatid niya. Tulad ng kung paano ang five minute sorry niya kay Ruffa ay naging tungkol sa kanya, sa legacy ng nanay at tatay niya, sa pagtakbo ni Noynoy at ng mga artistang sumusuporta dito, among others, which is ang pagso-sorry niya kay Ruffa.
I have nothing Kris Aquino, who is an Ateneo Graduate. I have nothing against anyone from Ateneo. And I really have nothing against Ateneo, I swear. I have everything against the public schools which can never be at par with the quality of education, Ateneo is giving. At ang mga pampulikong paaralang ito ay napakarami.
Dahil sa ganitong usapin, makikita nating ang mga katulad ni Kris Aquino, na anak ng pulitiko ay nakakakuha ng edukasyong may pangmagandang kinabukasang kalidad, samantalang ang mga pinamumunuan ng mga pulitikong itong nangakong magsisilbi sa bayan ay nananatiling nangangapa sa edukasyong makapagpapangat sa kanila. (Hindi ito konsepto ng mayaman at mahirap kundi ng pinuno at pinamumunuan)
Ano kaya sina Noynoy at Kris kung sa public school sila nag-aral. Sa palagay ko, singhusay pa rin sila nang kung ano sila ngayon. Bakit? Dahil anak siya ng pulitiko, ng nasa kapangyarihan. Gagawin ni Ninoy at Cory ang lahat para mabigyan sila ng magandang kinabukasan. Paano? Sa pamamagitan ng pagtataas ng kalidad ng edukasyon ng paaralang pinapasukan nila, na matitikman din ng mga classmates nila.
Education is a privilege at hindi na ito mababago. Isa na itong katotohanan sa mundo ng kapitalismo. Pero maaari itong pagsaluhan, maaari itong ibahagi sa mga hindi nabiyayaan.
Dahil dito, inihahain ko ang “MY GOD, SHARE YOUR PRIVILEGE NAMAN BILL” kung saan lahat ng naluluklok na opisyal ng pamahalaan at ang pamilya nila, to the second degree ay pinagbabawalang gumamit ng any private amenities, services and the likes. Meaning, lahat ng anak nila ay sa pampublikong paaralan lamang mag-aaaral at ang may sakit nila at sa pampublikong ospital lang makakapagpagamot.
Ang lupit hindi ba? Iyun ang notion. Pero hindi dapat, hindi ba?
Lagi naming pangako ng mga politiko ang kalidad na edukasyon para sa lahat. Matutupad lamang iyan kung ang anak nila ay kasama sa lahat at hindi sa iilan lamang na nasa pribadong paaralan. Sa ganitong sitwasyon lamang sila mapipilitan gumawa ng paraan na magbigay ng pondo upang taasan ang sweldo ng mga guro, pagagandahin ang mga pasilidad at isabay sa teknolohiya ng buong mundo ang bawat paaralan sa bansa.
(Sa pagkakataong ito ay hihingi na ako ng tawad kay Kris Aquino dahil sa gagawin ko ng example ang kanya pamilya dahil binata pa si Noynoy, at pasok naman sa second degree of relationship iyun)
Halimbawa, kung si Baby James ay magpe-pre-school sa isang pampublikong paaralan, hindi ba’t titiyakin ni Noynoy na magkakaroon ng edukasyon si Baby James na sapat para maging next president of the Philippines. Kung gayon, lahat ng kaklase ni Baby James ay magkakaroon din ng ganoong oportunidad.
Ibigay na rin nating halimbawa si Joshua, na kung magiging mag-aaaral sa SPED class ng isang pampublikong paaralan, ay magbibigay pag-asa rin sa ibang mga magulang na may anak na special din. Alam nilang tututukan din ang buong klase ng anak nila dahil doon nag-aaaral ang pamangkin ni Noynoy.
Nakakaangat ng pagkatao ang maihanay sa mga anak/kamag-anak ng pulitiko. Hindi ba’t napakalaking pag-asa ang binibigay ng ganitong senaryo sa mga karaniwang tao?
Dahil “MY GOD, SHARE YOUR PRIVILEGE NAMAN BILL” ang pamagat nitong akda, lahat ng pribilehiyong natatamasa ng mga may hawak ng posisyon ay dapat maibahagi sa lahat. Ipagbabawal ng batas na itong gumamit ng private hospitals mula barangay kagawad hanggang presidente ng PIlipinas. Hindi naman naiiba ang kailangan nilang check-up, o gamot, o operasyon o technology sa mga pangkaraniwang tao. Sa ganitong paraan din mapapaganda ang kalidad ng mga ospital sa bansa.
Hindi ko nga lang alam kung gaano kaposible ang batas na ito. Ang mga batas kasi ay ginawa para proteksyunan ang ari-arian at karapatan ng bawat isa. Ngunit ang isang ito ay nagtatanggal sa karapatan ng isang pamilya na magdesisyon para sa kinabukasan ng kanilang anak. Pero, hindi rin naman kasi pinipilit ang mga politiko na tumakbo para sa posisyon.
Ano ba ang ibig sabihin kapag hindi nila kayang ipasok ang anak nila sa isang pampublikong paaralan? O kung hindi nila kayang magpa-ospital sa isang pampublikong pagamutan? Hindi nila kayang gamitin ang mga bagay na pilit nilang ipinapagamit sa mga pinamumunuan nila. Hindi nila kayang kainin ang pagkaing inihahain nila sa mga mamamayan.
Ang korapsyon ay panlalamang. Mapapatunayan ni Noynoy na hindi manlalalamang kung ipapantay niya ang pamilya niya sa mga taong nais niyang pamunuan. At kung kaya niya iyun, wala na akong pakialam kung naipasa siyang batas o wala. Go na ako sa kanya.
(Hindi ibig sabihin na parang tutol ako kay Noy ay gusto ko si Villar. I’m not even considering him)