Friday, September 17, 2010

lipat bahay

parang ang hirap mag manage ng dalawang blogs. kaya't lilipat na po ang abetforsenator na blog tungo sa http://urbandud.wordpress.com/

dun na lang para isang blogaan na lang iyun!

Tuesday, September 7, 2010

Dengue: Diskusyon sa Dunong ng ating mga Doktor


Intelligence is a multi-faceted concept, and to some, knowing "faceted" is among its aspects. Ako, bilang alam ko ang faceted, ayan, naibigay ko pa ang synonym, papasa akong matalino.

Sinasabi ko lang naman ito dahil gusto kong kwestyunin ang pananaw ng mga Filipino na magagaling ang mga FIlipino. Well, totoo naman. Sinasabi rin yan ng mga chinese, na magagaling ang mga chinese. at ng mga lao, na magaling ang mga Laos. so its a matter of convincing ourselves of our capacity.

Pero gaano ba talaga katalino ang mga Filipino. Pagdating siguro sa hostage taking, napatunayan na natin ang ating galing sa mundo. Hindi tayo magaling. Though madali pa rin yang lusutan. Maaaring sabihin na kung hindi nilagyan ng pulitika, o kung nagpadala ng tamang tao, or kung mas matindi pa ang kapit kay God, baka nakita ng Earth na magaling ang mga Filipino. Pero tanggapin muna natin na hindi matatalino ang mga Pulis ng Pilipinas. or huwag nating tanggapin na hindi tayo magaling, tanggapin nating hindi magaling ang ating mga pulis. sila lang in particular. Hindi namang makatarungan na magagaling ang mga designers natin, tapos matatawag silang bobo dahil sa ating mga pulis. as i've said, intelligence is a multi-faceted thing.

Dahil palung-palo naman ang talino natin when it comes to talent. Aminin naman nating namamayagpag si Charice. At bilib naman talaga akos a batang iyan, bilang naging alaga ko siya for a while. Best din ang mga designers ng Pilipinas, mapa-anong klaseng design man yan. Ilatag na natin seven to nine forms ng art, kayang-kaya yang i-best ng mga Filipino.

Creativity-wise, ibibigay ko rin 'yan sa mga FIlipino. Maaari rin kasi itong resourcefulness-wise, at aminin na natin kun ggaano ka-resourceful ang mga pinoy, to the point na may kasabihan tayong "ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit!" Ang creative kaya nun, kakapit ka sa patalim. at mas creative yung mga nagigipit na hindi kumakapit sa patali,. maku-kwestyon ba ang resourcefulness ng mga Pilipinong naglilimborak sa ilalim ng poverty line. para mabuhay, kayang-kaya ng mga PIlipinong gawan ng paraan, kahit gaano man yan kahirap.

Ilagay na rin natin ang service-wise bilang in-demand ang mga Pilipino sa kahit anong serbisyong kailangan ng mundo.


Pero ngayon, may isang nilalang na humahamon sa galing ng Filipino. akshali, hindi nga humahamon, nagpapatunay na may hindi kayang gawin ang mga PInoy. Gusto ko sanang gawing mas specific, na yung mga nasa Medical profession lang, pero since hindi nga nila kaya, tayo pa kayong wala sa propesyong iyun. I'm talking about dengue. It has been in the country for so long. It has killed thousands, if not hundreds of thousands but still, we haven't found a vaccine against it.

I dont know kung madali o mahirap ang gumawa ng vaccine. Sige isipin na nating mahirap, pero hindi naman siguro singhirap to the point na hindi na gagawa. Ang pangagnanak nga mahirap, pero paulit-ulit pa rin ang paggawa ng bata. All I am saing is, posible ang makagawa ng vaccine, pero parang wala pang nagagawa ang Pilipinas.

Alam ko na hindi lang sa Pilipnas endemic ang dengue. Nagkalat ito sa mga bansang nasa belt bag ng earth, meaning mga nasa tropiko ng cancer at tropiko ng capricorn. Pero focus muna tayo sa pilipins my pilipins. It has affected the nephews of the country's president but there seemed to be no sense of urgency in finding a way to put an end to this.

Huwag nating sisihin ang kalinisan ng bansa. We are talking about lamok here at ang mga lamok nabuhay sa earth bago pa ang tao, ibig sabihin, kahit gaano kalinis ang lugar, magkakaroon at magkakaroon ng lamok at ang lamok na ito, maaaring may dengue. I'm not saying na tigilan na ang kalinisan, pero hindi ito ang paraan para mapigil ang dengue. We need to find a vaccine.

Naisip ko lang na kaya siguro hindi pa nagkakaroon ng vaccine dito ay dahil walang may kakayanang gumawa ng vaccine sa PIlipinas. Correct me if I am wrong and I will just say na "hindi halata," or "hindi sila showy!" "kaya't huwag na silang magtaka sa sinabi ni Susan sa Desperate Housewives?"

Well, hindi naman ako gumagawa ng problema na hindi magagawan ng solusyon. Of course, may naisip na ako. kung hindi kaya ng mga doctors, phramacist, med techsts, nurse, denstists, dermatologists, o kung ano mang facet ng medicine, gamitin natin ang ating mga resourceful at creative Filipino brothers and sisters.

Naniniwala rin kasi ako ng kung kaya nila, pagawa natin sa kanila. Remember the explosion ng AH1N! virus, sabi nila, matagal bago magawan ng vaccine against it, at para sa kanila, matagal ang six months, dahil wala pang isang taon, may vaccine na sila. ang tatalino nila, di'ba. Kumpara sa dengue na antagal nang tumitira sa atin, hanggang ngayon, wala pang bakuna.

Mabilis kumilos ang mga western country's sa paggawa ng vaccine dahil alam nilang affected sila. Ang population nila ay maaapektuhan. Para naman sa mga bansang hindi masyadong affected, alam nilang ang amerika ay may pambayad sa magagawa nilang bakuna against AH1N1.

At ito ang dapat nating gawin sa Dengue, kailangang maapektuhan ang mga matatalino ng sakit na ito, either lagyan natin ang populasyon nila, or kayanin nating magbayad ng gamot na maiimbento nila. Mas posible yung una, dahil mahirap na bansa ang PIlipinas, wala tayong pambili, at alam naman natin na ang populasyon nila ay malapit na malapit sa mga service providers natin, and im not talking about globe and smart, but with the people their dictionary once defined as Filipina. Minamaliit ninyo ang mga Filipino, hintayin ninyo, sasakupin namin ang mundo. wala kayong idea, hawak namin kayo sa aming mga kamay, kasama ng kutsilyo, walis, pandilig at iba pang gamit sa paglilinis.

'Yun na nga. Gamitin natin ang powers ng DH at OFWs natin para magkaroon ng Dengue sa Amerika, at tingnan natin kung hindi makabuo ng vaccine against dito. Pwede rin sa mga entertainers tayo magpadala, para sa Japan naman mapunta, siguro, may kakayanan din silang gumawa ng vaccine against it.

I know this is not a perfect plan. siguro malamig ang klima sa mga lugar na iyun kaya hindi nagkakadengue, pero i belive, unti-unti, makaka-evelove din ang mga lamok na 'yan tulad ng naka-adapt naman ang maraming Pilipino doon. Pilipino din naman ang mga lamok na ito.

We just have to give this a try, at least try. dahil ayon sa aking mga naririnig, at naoobserbahan, puro paglilinis pa lang ang nagagawa ng pamahalaan para solusyunan ang dengue.

Or for a much better suggestion , though feeling ko, mas imposible, pondohan na ng pamahalaan ang mga microbiologist ng Pilipinas. and i'll call this bill, the microbiology industry bill.

At siya nga pala, this goes for AIDS as well.

Friday, August 27, 2010

Manila Hostage Taking: It's Sho Show, It's Sho Time It's ShowTime

Maaari nating sabihin ang lahat ng opinyon natin sa naganap na Hostage Taking sa Quirino Grandstand, na makikita sa Wikipedia under "Manila hostage crisis" pero ang pinakavalid lang ay manggagaling kay Vice Ganda.

why not?

Hindi ba Showtime lang ang naganap.

pasok na pasok ang ganap sa konsepto ng palabas. Gusto mo bang sumikat, o gusto mo lang magpasikat? It's Showtime.

Umpisahan sa energy-energy para makuha ang attention ng madlang pipol.

"kami ang Manila Police District na galing sa Manila, ang capital city of the Philippines, na kilala bilang Capital City of the Philippines. ipapakita naming hindi namin kailangan ng ibang opisyales! dahil this is our show, this is our time, it's Showtime!" - pulis maynila.


Bakit ba kasi hindi ginawang national issue ang kaganapang ito at iniwan lamang sa kamay ng mga tiga-Maynila. hindi naman sa minamaliit ko ang mga tiga Maynila, bilang sila ang Capital City of the Philippines, pero ang kaganapan ay maglalagay sa tagumpay o kahihiyan ng buong bansa dahil may mga foreigners involved. parang nakita ng Maynila na this is a Make it or Break it situation sa kanilang kapulisan, but sadly it broke not just them but the whole sangkapulisan and the Philippines itself.

hindi ako sure kng dumating agn SWAT, pero parang wala naman akong nakitang ka-cotume nina Colin Farrel at Michelle Rodriguez sa area. ang natatandaan ko lang ay mga pulis sa gilid ng bus, na sinisiksik ang mga sarili sa gilid ng bus para hindi makita. teh, may side mirror. at hindi ko alam kung tiga SWAT yun, kasi hindi sila best. best ba yung pumasok sa bus na umuusok dahil hinagisan ng tear gas tapos biglang tatabas at kukuha ng tubig ulan at ipapahid sa mga mata? well, natawa ako.


at bakit nga ba may tear gas sa loob? kasi ang mga alagad ng batas na mga ito ay naniniwala sa mga sabi-sabi. para sa pulis, hindi nagsisiyasat ng ebidensya bago kumilos. sabi kasi ng driver na nakatakas, patay na ang lahat ng hostages. naniwala naman ang mga pulis, wala nang pakialam kung may buhay pa. e balita ko, nagsabi itong si Mendoza na ang gumalaw, papatayin niya. so malamang hindi gumagalaw ang mga hostages. at syempre, mga singkit iyun. maliliit ang mga mata, so akala ni manong druvam, nakapikit na. iyun, may i conclude na sina manong pulis na tegi na.

pero alam naman nating hindi ganito lahat ng mga Pulis sa Pilipinas, or even sa Manila. may mga mabubuti at magagaling na mga pulis pa rin naman around, kunyari tatay ko, isa siyang pulis. hindi man siya magaling na tatay, pero sasabihin kong magaling siya pulis, or mabait and ma-prinsipyo na lang as a pulis. kasi habang nagaganap ang hostage taking, kinuwento na nanay ko na nakahuli raw ng drug lord itong si itay. tinakot siya at binantaan ang buhay, pero hinuli pa rin niya. my god, nagka-opportunity pala si Daddy na maging drug lord, hindi pa niya ni-grab, e its so much easier to be a senator kung may tatay na drug lord.

well enough about me, nasaan ba ang mga pulis na tulad ng aking daddy na nakakahuli ng drug lord. or better, may chance makapigil ng bloody hostage crisis? ang balit ako lang nasa baguio sila. bakit hindi sila bumaba ng Manila, the Capital City of the Philippines? i dont know, maybe hindi nga sila pinatawag dahil may mga nagmamagaling. kasi feeling ko naman, kaya nilang tapatan yung mga tiga serbia. baka nga mas nauna pa silang dumating kesa sa mga journalist from Hongkong na dalawang oras lang, nasa Pilipinas na. parang they believe na "i dont care how you get here, just get here if you can."

na sana yun din ang ginawa nila sa hostage taker. dedma na kung paano nila mapapalabas ng bus si mendoza, just get him out of there if they can. para kasing they cant. anu ba naman yun may demand yung hostage taker, tapos sagutin ng "we'll see." parang okay, just don't call us, we'll call you." ambayun?

huwag naman sabihing parang alam ko dapat ang gagawin, pero na hostage na ako at naging negotiator na rin at the same time. as in sabay. imagine having a demanding baby na ayaw kang palabasin sa bahay to go to work, iiyak na. paano mo patatahanin, hindi ba, ibibigay mo muna ang gusto, uutuin, hanggang sa makuha ninyong pareho ang gusto ninyo, pero at the end, ikaw ang masusunod dahil ikaw ang magulang. gagalitin mo pa ba lalo ang bata? papaluin pa ba? ipapakita ang kapatid na sinasaktan?

i dont blame the media. gusto kong nakiki epal sila as much as they can kasi that's the only way na makaka epal din ako. trabaho nila yan, para silang mga holdapers na hindi alam kung paano kikita ng pera kapag may gun ban. pero may mga taong nagma-manage dapat sa kanila, kung hanggang saan sila. hindi ba nga, ang mga holdapers pinapanatili sa mga madidilim at delikadong lugar, dun din dapat ilagay ang mga media ng pulis. hindi tutok-tutok.

haay, sige na nga. tama na. nangyari na ang nangyari. quote ang quote yan sa mga matatandang gustong mag move on. at para naman sa iba. makakalimutan rin yan. mapapalista rin yan sa Hllo Garci scandal, sa Ampatuan Massacre, Ondoy, 2012, and the likes. pero sa ngayon, Madlang Pipol! Score N'yo, Show N'yo!

Wednesday, July 7, 2010

Parusahan ang mga Pangit na Druvam ng Taxi Bill

Naiyak ako sa inauguration speech ni PNoy. Mababaw lang naman ako. Promises make me cry, among other things like could have beens, too much agitation, frustrating anger, fulfilled dreams, achieved vengeance and onions atbp. In no particular order.

Siguro kasabay kasi ng promise na ito ang pag-asa sa maraming bagay, pagkakaroon ng posibilidad sa mga nauna ng mga posibilidad. Una na ang pagbabayad ng nakaraang administrasyon sa saliw ng quotable quote na “There can be no reconciliation without justice!” Pero that’s too deep. Simpleng bagay lang muna tayo. Jam-jam lang. May justice din naman sa Wang-wang na mas tumatak sa akin.

Malamang, naisip ng gumawa ng speech ni PNoy na such anecdote will humanize him. Mas maaabot na siya ng masa dahil nakakaranas din siya ng trapik. Na-achieve naman. Appreciated, clap-clap. Tama na makakakuha ng batas na makakabuti sa mga tao, kung ang mga gumagawa at nag-i-implement nito ay nakakaranas kung paano maging karaniwang tao. Gusto ko sanang sabihing walang pero-pero, pero meron. Sana, I wish, maaari ba na dig deeper pa tayo. Maki join in pa tayo more sa usual peeps like the mga nagco-commute. Medyo levels kasi iyan.

Gumagamit ng wang-wang na nakakotse,
Sa ilalim nito ang mga plate numbers na isang digit lang
Nakakotseng may driver,
Nakakotseng walang bayarang driver
Nagko-commute.
Naka Taxi
Naka Shuttle
Naka Jeep/Bus et al.

Na-avail ni PNoy ang nakakotse, hindi ko alam kung may bayarang driver o wala. Pero sana, na-push pa niya some more. Nag-commute sana siya. Dahil kung ginawa niya ito, mas mahu-humanize siya. And with this, I will propose several bills.

First I proposed the “Parusahan ang mga pangit na Druvam ng Taxi Bill” and when I say pangit, yung pangit from the inside lang.

Pasakayin muna natin si PNoy ng taxi, sabihin niya Baseco, ano kaya ang resulta?

Sa una pa lang, maaari na siyang tanggihan ng driver. Mayroon ng batas na nagsasabing bawal tumanggi sa pasahero, pero may mangyayari ba?

Ikalawa, maaaring sige, pero dagdagan ninyo ang bayad ng seventy pesos. Maaari niyang ireklamo iyun, pero may mangyayari ba?

Ikatlo, maaaring isakay siya, pero habang nasa biyahe, maiinip ang driver at ibababa na siya. Pwede siyang humirit, pero may mangyayari ba?

Bigyan natin ng rule of thirds itong reklamo thingie, pero marami pang pedeng ireklamo regarding mga pangit ng druvam ng taxi.

Maging ang kalidad ng mga taxi, may mga bulok, may mga maiinit, though maraming maayos rin, pero nasaan na ang standards? Maaring ipagtanong ito, ngunit may mangyayari ba? Maging ang pagreresibo ng mga taxi na alam kong last year pa dapat fully implemented, hanggang ngayon, hindi pa tuluyang nararamdaman, hindi pa ako nabigyan ng resibo ng kahit isang taxi na nasakyan ko.

And of course, isama na ang mga driver na kung makarapor ay parang alam ang sinasabi. Na gusto mo na lang sabihan na, “manong, sige, daragdagan ko na lang ang bayad, pero magpanggap na lang kayong walang boses, magsalita pa rin kayo, pero walang boses, please?”

Napakasimple sigurong batayan nito para sabihing walang hustisya sa Pilipinas. Wala naman kasing namatay, hindi papasa ang eye for an eyeliner, tooth for toothbrush quote. Pero simula ito. Maaaring magsimula ang hustisya sa maliliit na bagay.

Uulitin ko, may mga batas na nga para dito, pero, may nangyayari ba? Mayroon man, hindi halata. Mahalagang mahalata ito ng bawat nagulangan ng mga taxi driver. Hindi ba nakapagtatakang iilan lang ang mga sumusubok mag text sa hotline? Why bother? At sa wika ng isang naka chat ko dati na hiningan ko ng number, “what for, this is not going anywhere?” (I was fat then). Niweis, Guys, patikim naman ng justice.

Paano ba ito maipakikita? Una, kailangan munang umaksyon sa mga pesteng taxi driver na ito para may maipakita. Ikalawa. Gamitin ang technology. Anubanaman yung magreply sa nagreklamo through text na, “ginagawan na po naming ng paraan,” at syempre mag follow up na rin na “okay na po, natanggalan na ng lisensya yung driver na nambastos sa inyo.” Napaka personal ng approach, pero ang fun.

There can be more creative ways. Pwede namang gumawa ng internet site kung saan ipakikita ang mga nahuling driver na naireklamo sa hindi pagtanggap ng pasahero. Abay tututukan ko ito para malaman kung nahuli na ang driver na nanggalit sa akin kahit minsan.

At dahil nga tututukan ko ang site na ito. Baka tutukan ko rin ito kung ipapalabas sa TV. Anu ba naman yung gumawa sila ng show sa NBN 4 para ditto. aba’y manonood ako ng 4 para makita ang mga nahuhuling masamang tao.

Tulungan naman nating maging pro-active ang mga mamamayan by showing them na may kinahihinatnan ang kanilang “pro-activeness.” (applicable din ito sa clean air act. Andami pa ring smoke belcher, pakita naman ninyong may mga nahuhuli at napaparusahan).

Sabi nga ng Milo, great things start from small beginnings, so patulan natin itong maliit na bagay na ito. May mga butil ng hustisyang magaganap sa mga ganitong sitwasyon dahil sa pambabastos ng mga taxi driver na ito, may mga biktimang nalamangan ang dangal, nanakawan ng oras, at tinanggalan ng pag-asang makakauwi ng maaga. Bigyan natin sila ng hustiya.

Idaragdag ko na rin, served justice also makes me cry.

Monday, July 5, 2010

Turuan Mo Naman Ako N'yan Bill

Medyo isang buwan akong walan gnaisulat, at halatang nagkaroon ng work bilang empleyado, kaya't may bago ng presidente nang makasulat muli ako, kaya ito, Makikisulat na rin kay P-Noy, baka i-consider niya ako bilang cabinet member, though kaya ko rin maging cabinet maker. so this is it,

Dear P-Noy,

Pengeng pera.

Biro lang. Hindi pa rin natitigil ang init ng usapin sa pagpasok ng Sex Education (na tinatago na sa ibang ngalan like gender ed or fuck ed) pero marami pa ring bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang Dep Ed at may isa muli akong suhestiyon na maaaring isabay sa pagtanggal ng mga wang wang at iba pang pagbabagong gagawin ni P-Noy.

Nais ko lang magkaroon ng isang kursong nakalaan sa Culture. Filipino Culture. Alam kong nagsisiksikan na ang mga subjects sa elementary na gumawa na sila ng “Makabayan” bilang compilation ng ilang subjects, kaya hihiling na lang ako na madagdagan at mapakapal pa ang programang ito.

Noong Elementary kami, naturo sa amin ang Filipino bilang isang subject. Wika at Panitikan na ito. Sa wika nakasama ang grammar, o balarilang Filipino, kung saan ko natutunan na mas maraming parts at figures of speech ang Filipino kumpara sa Ingles. At kung aaraling mabuti, mas evolved aang wikang Filipino, though hindi ko pa ito kayang patunayan dahil naalala ko lang ito noong elementary at naniwala na lang ako, bilang bata pa. May bahagi ng kultura ang natamaan sa mga usapin dito.

Wala akong masyadong natatandaan sa Sibika at Kultura bilang hanggang grade four lang yata ito naturo dahil nagign HEKASI na siya noong following years, natatanddan ko na lang ang ilang pahina ng books or yung mga posters na may sumasayaw na may hawak na mga bulaklak.

Sa MAPEH naman, parang na touch din ang mga musika at larong pinoy. Sa GMRC, nasabi ang mga mabubuting ugali. Kasama ang hospitality, na sa tingin ko ay mabuti ngunit kailangan ng talinong pag-uugali.

Maraming bahagi ng kultura ang natamaan, pero hindi naiukilkil sa isipan.ng mga bata, tulad ng pag-inculcate sa atin na ”hospitable” kayo, kaya tanggap lang kayo nang tanggap ng bisita. May mga bahagi kasi ng kultura na dapat pina-ptaktis para maisapuso. Tulad ng mga sayaw, para mas ma-aapreciate ng mga bata ang sayaw, dapat silang gawing bahagi ng sayaw.

Pero ang kultura ay hindi lang ang mga sayaw. May mga bahagi ang kultura na specific sa bawat lungsod at probinsya. At ito na ang specific subject na nais ko sanang mas palawigin pa. Magkaroon ng subject sa school na magtuturo sa bawat students ng kulturang ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Malaki rin ang maitutulong nito sa totohanang paglawig at hindi pagiging dormant kung hindi man tuluyang pagkamatay ng kultura ng isang lugar.

Halimbawa ko na ang Marikina bilang aking bayan kinalakihan, ay isang bayang proud sa pagkakaroon ng quality shoes. Pero alam naman nating hindi na ito totoo. Sige, napag-uusapan, pinapanatili pa rin ang tag bilang shoe capital of the Philippines, pero hindi nararamdaman. May mga kalsada akong nadaraanan noon na gumagawa talaga ng sapatos, ngunit ngayon, nagsara. Marahil, nalugi ang iba dahil sa kumpetisyon, ngunit nakakalungkot na mas kaunti pa sa iilan ang nangarap na ipagpatuloy ang pag gawa ng sapatos.

Nanatiling pangarap ng mga bata ang mga pangarap na popular sa telebisyon. Doctor, abogado, teacher, pulis sundalo artista. Pero nawala ang pagiging sapatero. Ako mismo, kahit sapatero ang ina ko, hindi ko naging option ang maging sapatero. Hindi ko nga alam ang alamoda e. Hindi naman kasi ako at ang iba pang mga bata na mabigyan ng chance na maging sapatero, marahil ay sinabi, ngunit hindi ba’t magiging mas pangarap ng mga batang maging sapatero kung naturuan silang gumawa ng sapatos?

May chance na magiging adik sila sa rugby, pero may chance din na may makakadiskubre na may kakayanan siyang gumawa ng magandang sapatos. Marahil mula mga batang matuturuang gumawa ng sapatos, may makakaisip na maging shoe designer. Hindi naman sila inu-obliga, bagkus ay isinasama lang sa kanilang options ang kanilang pinagmulan.

Sa bayan tulad ng Marikina, mas maa-appreciate ng mga tiga-marikina ang kanilang pagiging sapatero kung bata pa lamang sila ay tinuturuan na silang gumawa ng sapatos. huwag sanang ipagkamaling ninanais kon gmaging sapatero ang lahat ng tiga Marikina. Ang sinasabi ko lang ay ituro at iparanas sa kanila ang kanilang ipinagmamalaki, upang tunay nilang maipagmalaki, at para sa ibang mahihilig, maipagpatuloy. Then dignity of labor will follow.

Applicable din ito sa ibang syudad, sa Paete, Laguna kunwari, dapat may isang subject kung saan pinag-uukit talaga sila. Hindi naman kailangang maging lahat sa pag-ukit, pero para lang madiskubre ng ilang kabataan doon na may talento sila scuplture,


Ganun din doon sa isang bayan na napanood ko lamang kanina na tinulungan ni Bernadette Sembrano. Namamatay na kasi doon ang pagsusulat ng mga mangyan kung saan gumagamit pa ng pang-ukit at kawayan, parang Alibata. Sa palagay ko mas maganda, na sa eskwelahan doon, halimbawa, sa grade four, pagsulatin talaga sila ng alibata sa kawayan. Kahit papaano, mananatiling buhay ang ganoon kultura sa lugar nila.

Ganun din sa issue ng tinalak sa Timog Cotabato. Sa tribu ng T’boli, na malamang naman ay may paaralang malapit, i wish. I really wish, sana pinapanatili ang paggawa nila ng tinalak. Ito yung mga telang matagalang hinabi mula sa abaka na tanging mga babae lang ang gumagawa noong unang panahon, pero ngayon lalaki;t babae na ang gumagawa sa isang mass produced na sistema.




Nakakalungkot na sinasabi ng mga mamatanda doon na namatatay na ang tunay na essence nito, pero pwede pa rin itong buhayin. Kung instead of cross stitch ay tinalak ang ipagawa sa students sa South Cotabato, maaaring magustuhan nila ito bilang mga bata. Marahil, maraming mga bata an gmga mapapagod, ngunit maaaring maging Masaya na para sa mga gultural workers na sa bawat taon, may isa o dalawang muling gagawa ng tinalak dahil bumalik sa kanila ang galling ng kanilang mga ninuno.

Sa huli, higit pa sa pera ang maibibigay ng edukasyon sa bayan, na parang nagiging kultura na ng mga mahihirap. Mag-aral ka para maiahon tayo sa hirap. Mahihigyang buhay ng edukasyon ang kultura mula sa maliliit na bayan, probinsya na magpapatingkad sa buong bansa,

Sunday, May 9, 2010

Senators namain!

meron na akong presidente at vice president.
meron na rin akong congressman, mayor at vice mayor.

wala pa akong senador. at ito na ang aking pag-iisip.

may mga rules kasi akong ginawa para bumoto ng senador, at ginawa ko iyun para maiboto ko yung isang para sa meant to be broken aspect.

sa tingin ko, since transient ang mga senator, hindi ito pwedeng gawing profession, mayroon na bang senator emeritus? so hindi ko iboboto yung matatagal ng senador: kit tatad, Serge Osmena, Teofisto Guingona, Bong Revilla pero may isang senador na lagi kong iboboto!

1. Miriam Defensor Santiago

at isa pa, kahit tatakbo ulit siya, exception ko rin si

2. Franklin Drillon

kung tatakbo nga ulit si Juan Flavier, iboboto ko pa rin.

mahalaga rin ang partido... hindi ko iboboto ang mga hindi iniindorso ng partido nila tulad nina Gwendolyn Pimentel, Ramon Monmon Mitra, Susan Ople, at Pia Cayetano. sabi kasi ng campaign nila, kailangan ang iboboto ay yung "may kakayanang gumaa ng sariling pangalan." obviously itong mga ito, banking on the names ng kanilang mga magulang. just like noynoy. so why vote for them, if i wont vote for noynoy? Pero si Pia Cayetano, hindi ko iboboto for another level pa.

Medyo mahalaga sa akin ang looks so boboto rin ako ng magaganda at gwapo. dahil alam naman natin na ang politika sa pilipinas ay parang soap opera, gusto ko naman ng magagandang makikita sa TV. kaya go ako kina

3. Adel Tamano,
4. Riza Hontiveros

pero kahit maganda si Pia Cayetano, hindi ko siya iboboto dahil nakaupo pang senador ang kapatid niya. huwag naman sana nating palampasin ito. bawal ang political dynasty. kahit qualified silang dalaa para maging senador, pwede namang pagkwentuhan nila sa bahay yung mga gusto nilang mangyari sa bayan at isa na lang ang maging senador. i have nothing against her, pero huwag sana nating palampasin ang mga ganito kalakin ghindi pagsunod sa batas.

Hindi ko rin iboboto ang mga artista at may konek sa kanila dahil alam naman nating umaakting sila. hindi maganda sa reality show ang totoong artista, hindi nagre-rate. more so, hindi ko rin naman sila binoto noon pa: Bong Revilla, Tito Sotto, Ralph Recto, Lito Lapid, at muli kong iboboto yung mga hindi nanalong binoto ko

5. Sonia Roco

at tulad niya gusto ko rin ng mga bagong dugo. mga bagong mukha. mga bagong propesyon.

6. Neri Acosta dahil teacher siya.
7. Martin Bautista dahil gastroenterologist siya.
8. Kata Inocensio dahil UP Rep siya.
9. Satur Ocampo dahil magsasaka.

at pinapatawad ko na siya sa pagkampi niya kay Villar. at least, meron siyang ways and means strategy. maganda naman ang nasabi ukol sa history niya na sinabi sa akin sa UP, though iboboto ko talaga siya dahil magsasaka siya.

at dahil na rin nabanggit ang history, huwag natin kalimutan ang mga nagdaan. tandaan natin ang rehimeng marcos. so hindi ko iboboto ang kahit sinong may kaugnayan sa pamilya nila. pamilya nila ang nagkasala, magbayad silang lahat. ganun din sa mga naging magdalo, sapat na ang isang magdalo sa senado, huwag na si Querubin at si Lim. palpak naman ang mutiny na iyun. malay nga ba ko kung palabas lang din iyun.

May mga matatalinong tao rin sa iabng partido, kahit medyo praise the lord sila. and for that iboboto ko si

10. Ramoncito Ocampo

siya ang lalaban kay Risa sa issue ng Reproductive Health. siya lang ang narinig kong tumutol sa RH Bill na hindi nagbanggit ng abortion, kundi ang feasibility at budgeting ng bill. so pakiboto ninyo siya, for me please.

kulang pa ako ng tatlo. so either Erap or Jinggoy ako. pag binoto ko si Erap, hindi na si Jinggoy. gusto ko kasing may isa sa kanilang maiwan. so si Erap na lang. sorry muna Jinggoy.

grabe yung dalawa na lang. parang kailangan ko ng dalawa pang babae para tig-anim. pero okay lang na hindi. gusto ko pala kasi si

11. Gilbert Remulla

nandoon siya sa category na gwapo, new blood, journalist kasi siya.

at panghuli. hindi pa ako sure kay Lisa Masa. hindi kasi ako fan ng Gabriella. sana huwag magalit ang mga friends kong go for the go kay Mareng Lisa. isa lang sa kanila ni Satur ang pwede for me. for variation purposes lang. basta pag-iisipan ko na lang. pwede namang hindi twelve, di'ba?


Thursday, May 6, 2010

Party List! Party Pips!

ang bilis ng mga events ngayong election. hindi pa natatapos ang isang issue, another na agad ang papalit. mahihiya ang bakla sa call center na may mottong collect and collect and then aids.

niweis, ibalik ko lang ang issue ng mga party lists na alam naman nating hawak ng administrasyon at pag naupo na ay magsasabi nang Ayyy to confirm the judgment in favor of madang. so take note of that very particular issue and dont let go. at para matandaan natin ito, i-google ninyo ang listahan.

ang napansin ko lang sa list, ay hindi masyadong sure win ang approach at madaling pagbintangan. hello, very obvious naman na hindi security guard si Mikey Arroyo. sabi, inimbitahan daw siya ng mga sukyu, pero walang alam dito ang guard sa school namin nung elementary na si Mang Emil slush Emil Guard. dapat, sinama nila ako sa planning at makakapag-provide ako ng mga party lists na sure win at go for the go talaga! ito, lima pa lang.

Party List 1: 1-AABAA BAA
Ako Ay Babaeng Ako Ay Babaeng Astig Aalagwa
iyan, who cares kung kanino nagke-cater ito, ang mahalaga, siya ang number one sa listahan. at since may babae sa pangalan, may chance na iboto ito ng mga babae. at dahil dalawa ang babaeng nabanggit. baka madoble rin ang boto.

Party List 2: Partido ng Manggagaway
ang partido ng mga hindi naka-experience ng doctor
since hindi literatura ang mga mangkukulam sa pilipinas, but reality dahil ang doktor sa marami ay konsepto lang, tiyak, maraming marginalized individual ang boboto sa partidong ito. and of course, goal naman talaga ng pamahalaan na manatiling umaasa sa mga mangkukulam at faith healers ang mga pinoy lalo na sa kanayunan, dahil maging mga volunteers na nagseseminar para sa medical mission ay pinagbibintangang bad. teka, nabigyan na ng posisyon ang manikurista, ang kardinero, siguro meron ding personal zenaida zeba or madam rosa diyan na pwedeng humawak dito.

Party List 3: AAArabo
ang partido ng mga bumbay at umaasa sa 5-6
alam naman nating iilan lang ang nakakatanggap ng pondo mula sa gobyerno para magkapondo para sa sariling negosyo. nagkalat pa rin ang mga bumbay at ang mga umaasa sa kanila.

Party List 4: PresCon
ang Partido ng mga Preso at Ex-con.
kasama dito ang mga kriminal na nakakulong, ikukulong at nakalaya na. kasama rin dito ang mga takas slash, puga. kasama na rin dito ang mga nakakaiwas sa kulungan. marami silang pwedeng gawing representative ng partidong ito. kahit sino sa kanila ay pasok sa konsepto ng nakakaiwas sa preso. at huwag nang gawing issue na hindi makakaboto ang mga nakakulong, dahil in the first place, nasa presinto na sila! bwahahaha!

Party List 5: Anakpangit
ang partido ng mga anak ng pangit
basta anak ka at pangit. iboboto mo ito.
ang representative, si Luli.