Medyo isang buwan akong walan gnaisulat, at halatang nagkaroon ng work bilang empleyado, kaya't may bago ng presidente nang makasulat muli ako, kaya ito, Makikisulat na rin kay P-Noy, baka i-consider niya ako bilang cabinet member, though kaya ko rin maging cabinet maker. so this is it,
Dear P-Noy,
Pengeng pera.
Biro lang. Hindi pa rin natitigil ang init ng usapin sa pagpasok ng Sex Education (na tinatago na sa ibang ngalan like gender ed or fuck ed) pero marami pa ring bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang Dep Ed at may isa muli akong suhestiyon na maaaring isabay sa pagtanggal ng mga wang wang at iba pang pagbabagong gagawin ni P-Noy.
Nais ko lang magkaroon ng isang kursong nakalaan sa Culture. Filipino Culture. Alam kong nagsisiksikan na ang mga subjects sa elementary na gumawa na sila ng “Makabayan” bilang compilation ng ilang subjects, kaya hihiling na lang ako na madagdagan at mapakapal pa ang programang ito.
Noong Elementary kami, naturo sa amin ang Filipino bilang isang subject. Wika at Panitikan na ito. Sa wika nakasama ang grammar, o balarilang Filipino, kung saan ko natutunan na mas maraming parts at figures of speech ang Filipino kumpara sa Ingles. At kung aaraling mabuti, mas evolved aang wikang Filipino, though hindi ko pa ito kayang patunayan dahil naalala ko lang ito noong elementary at naniwala na lang ako, bilang bata pa. May bahagi ng kultura ang natamaan sa mga usapin dito.
Wala akong masyadong natatandaan sa Sibika at Kultura bilang hanggang grade four lang yata ito naturo dahil nagign HEKASI na siya noong following years, natatanddan ko na lang ang ilang pahina ng books or yung mga posters na may sumasayaw na may hawak na mga bulaklak.
Sa MAPEH naman, parang na touch din ang mga musika at larong pinoy. Sa GMRC, nasabi ang mga mabubuting ugali. Kasama ang hospitality, na sa tingin ko ay mabuti ngunit kailangan ng talinong pag-uugali.
Maraming bahagi ng kultura ang natamaan, pero hindi naiukilkil sa isipan.ng mga bata, tulad ng pag-inculcate sa atin na ”hospitable” kayo, kaya tanggap lang kayo nang tanggap ng bisita. May mga bahagi kasi ng kultura na dapat pina-ptaktis para maisapuso. Tulad ng mga sayaw, para mas ma-aapreciate ng mga bata ang sayaw, dapat silang gawing bahagi ng sayaw.
Pero ang kultura ay hindi lang ang mga sayaw. May mga bahagi ang kultura na specific sa bawat lungsod at probinsya. At ito na ang specific subject na nais ko sanang mas palawigin pa. Magkaroon ng subject sa school na magtuturo sa bawat students ng kulturang ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Malaki rin ang maitutulong nito sa totohanang paglawig at hindi pagiging dormant kung hindi man tuluyang pagkamatay ng kultura ng isang lugar.
Halimbawa ko na ang Marikina bilang aking bayan kinalakihan, ay isang bayang proud sa pagkakaroon ng quality shoes. Pero alam naman nating hindi na ito totoo. Sige, napag-uusapan, pinapanatili pa rin ang tag bilang shoe capital of the Philippines, pero hindi nararamdaman. May mga kalsada akong nadaraanan noon na gumagawa talaga ng sapatos, ngunit ngayon, nagsara. Marahil, nalugi ang iba dahil sa kumpetisyon, ngunit nakakalungkot na mas kaunti pa sa iilan ang nangarap na ipagpatuloy ang pag gawa ng sapatos.
Nanatiling pangarap ng mga bata ang mga pangarap na popular sa telebisyon. Doctor, abogado, teacher, pulis sundalo artista. Pero nawala ang pagiging sapatero. Ako mismo, kahit sapatero ang ina ko, hindi ko naging option ang maging sapatero. Hindi ko nga alam ang alamoda e. Hindi naman kasi ako at ang iba pang mga bata na mabigyan ng chance na maging sapatero, marahil ay sinabi, ngunit hindi ba’t magiging mas pangarap ng mga batang maging sapatero kung naturuan silang gumawa ng sapatos?
May chance na magiging adik sila sa rugby, pero may chance din na may makakadiskubre na may kakayanan siyang gumawa ng magandang sapatos. Marahil mula mga batang matuturuang gumawa ng sapatos, may makakaisip na maging shoe designer. Hindi naman sila inu-obliga, bagkus ay isinasama lang sa kanilang options ang kanilang pinagmulan.
Sa bayan tulad ng Marikina, mas maa-appreciate ng mga tiga-marikina ang kanilang pagiging sapatero kung bata pa lamang sila ay tinuturuan na silang gumawa ng sapatos. huwag sanang ipagkamaling ninanais kon gmaging sapatero ang lahat ng tiga Marikina. Ang sinasabi ko lang ay ituro at iparanas sa kanila ang kanilang ipinagmamalaki, upang tunay nilang maipagmalaki, at para sa ibang mahihilig, maipagpatuloy. Then dignity of labor will follow.
Applicable din ito sa ibang syudad, sa Paete, Laguna kunwari, dapat may isang subject kung saan pinag-uukit talaga sila. Hindi naman kailangang maging lahat sa pag-ukit, pero para lang madiskubre ng ilang kabataan doon na may talento sila scuplture,
Ganun din doon sa isang bayan na napanood ko lamang kanina na tinulungan ni Bernadette Sembrano. Namamatay na kasi doon ang pagsusulat ng mga mangyan kung saan gumagamit pa ng pang-ukit at kawayan, parang Alibata. Sa palagay ko mas maganda, na sa eskwelahan doon, halimbawa, sa grade four, pagsulatin talaga sila ng alibata sa kawayan. Kahit papaano, mananatiling buhay ang ganoon kultura sa lugar nila.
Ganun din sa issue ng tinalak sa Timog Cotabato. Sa tribu ng T’boli, na malamang naman ay may paaralang malapit, i wish. I really wish, sana pinapanatili ang paggawa nila ng tinalak. Ito yung mga telang matagalang hinabi mula sa abaka na tanging mga babae lang ang gumagawa noong unang panahon, pero ngayon lalaki;t babae na ang gumagawa sa isang mass produced na sistema.
Nakakalungkot na sinasabi ng mga mamatanda doon na namatatay na ang tunay na essence nito, pero pwede pa rin itong buhayin. Kung instead of cross stitch ay tinalak ang ipagawa sa students sa South Cotabato, maaaring magustuhan nila ito bilang mga bata. Marahil, maraming mga bata an gmga mapapagod, ngunit maaaring maging Masaya na para sa mga gultural workers na sa bawat taon, may isa o dalawang muling gagawa ng tinalak dahil bumalik sa kanila ang galling ng kanilang mga ninuno.
Sa huli, higit pa sa pera ang maibibigay ng edukasyon sa bayan, na parang nagiging kultura na ng mga mahihirap. Mag-aral ka para maiahon tayo sa hirap. Mahihigyang buhay ng edukasyon ang kultura mula sa maliliit na bayan, probinsya na magpapatingkad sa buong bansa,
No comments:
Post a Comment