Tuesday, April 27, 2010

"tol, it's the government, not the culture" isang reaction paper

tatagalugin ko na lang, dahil mas magandang pagusapan ang kulturang pilipino sa ganitong wika, at ang mga tututol dahil sa hindi pagkaintindi ay walang karapatang tumuligsa.

una sa palagay ko, ang pilipinas ang isa sa may pinakamagandang kultura sa mundo. hindi ko kasi naranasan ang ibang kultura. pero isa-isahin natin. isa ang pilipinas sa mga bansa na may mataas na pagtingin sa babae. isa ang pilipinas sa may matinding kapit sa pamilya. magalang tayo sa matatanda. mabuting tumanggapng bisita. ilan lang ito sa mga natatandaan ko noong GMRC days sa elementarya.

ang argumento kasing naisulat ay dapat sisihin ang kultura higit sa gobyerno. tutol ako nambongga. ang gobyerno ang sumisikil sa mga mamamayan upang bumubo ng hindi magagandang kultura.

Unahin natin kay Erap. hindi naman alam ng mga tao na sugarol, lasenggo, babaero at panginoon ng krimen si Erap bago siya ihalal. lumabas lang ang isyu na ito noong may nagnais magpatalsik sa kanya. at hindi buong bansa ang nagnais nun. iilang tao lang na ginamit ang buong bansa. kung may kultura mang naganap dito, ay madaling maniwala sa sabi-sabi ang mga Pilipino.

sa totoo lang, hindi naman si GMA ang gusto ng mga tao noon na maupo pagkatanggal kay Erap, pero nakagawa ng paraan si GMA na makuha ang posisyon. marahil, siya talaga ang may gustong mapaalis si Erap sa pwesto. ngayon, sa isyu naman ng pagkanais ng mga taong matanggal si GMA, hindi na ito isyu matapos ang EDSA rev 2. alalahanin nating nagkaroon na ulit ng eleksyon kung saan ayon sa sabi-sabi rin na nandaya siya. itong sabi-sabi ring ito ang nagpatalsik kay Erap, ngunit bakit hindi nito magawang patalsikin si GMA. dahil nasa gobyerno si GMA at siya ang nasa kapangyarihan.

tungkol sa issue mo nang pagkalalaki. hasty generalisation. totoong we have men who can pray the rosary and go to mass everyday, pero hindi nila ginagawa iyun. kaya nila pero hindi nila ginagaa. not unless prayle sila, na tututol naman sa katuloy ng talatang ito na "bear many children."

ukol sa go forth and multiply. alalahanin nating ang katolisismo ay acquired culture. galing iyan sa mga kastila kaya ang go forth and mulitply ay hindi natin kultura. ipinamukha lang sa atin, at bilang masunuring bansa. sumunod naman tayo. pero higit pa sa kultura. tungkulin ng gobyerno na panatilihing mulat, matalino at angat sa kahirapan ang populasyon ng bansa, at hindi ito nagagawa ng gobyerno. kung sapat ang trabaho sa pilipinas, at kung sapat ang edukasyon ng mga mamamayan, ang mga tambay sa kantong nagpaparami lang ng anak ay may ibang gagawin higit sa go forth and multiply. ang mga squaters ba ay magsisiksikan sa maynila kung ang local na gobyerno na probinsya nila o nang kanayunan ay nakakapagbigay ng hanapbuhay sa kanilang lugar?

at diyan na rin papasok ang issue ng mga OFW. hindi naman kultura ng mga Pilipino ang maging proud sa mga OFW. ipinalulunok sa atin ito ng gobyerno. binu-boost ang ego ng mga pinoy na alipin sa ibang bansa at pinapangalanan silang bayani. pero gusto ba talaga nitong mga ito na mangibambansa? hindi. mas gusto nila sa pamilya nila, ngunit hindi sapat ang trabaho at kita dito sa Pilipinas at tungkulin ng pamahaalan na gawin ito. at paano mo naman nasabing ang perang ginagamit nila ay napupunta sa hypocrite masculinity, hindi naman yata magandang konotasyon na para sa iyo, mga babae lang ang mga OFW.

tanungin natin bakit gusto ng mga kabataang maging artista, at hindi mga tunay na artists o kung anumang propesyunal. una, sinong buhay buhay na doktor ba ang pinakikilala sa mga bata, ilan sila? may scientist ba sa pilipinas? kilala ba sila ng mga batang ito? hindi binibigyan ng pamahalaan ng totoong opsyon itong mga batang ito. at huling argumento, anong masama sa pag-a-aspire na maging artista? Nora Aunor is a very good actress, masamang mangarap na maging katulad niya? Hindi ba totoong sining ang ipinakitang galing ni Nora Aunor? grabe namang pangmamaliit iyan sa isang industriya. Sige sisihin natin ang Wowowee pero huwag nating i-brand ang mga Lopezes nan gpagiging manipulative. ang lahat ng media ay minamanipula ng mga nasa kapangyarihan.

nakakalungkot na ang tinutukoy mong mga kultura ay maliliit. ilang tao ba ang sumisigaw kapag may kausap sa cellphone at ilan ang naiirita doon sa taong iyon? kung sasabihin nating ang kultura ay ang ginagawa ng mas marami. may kultura tayong mainis sa mga taong sumisigaw sa kausap sa cellphone. hindi ko na i-expound. gets na yan.

ako bilang tao, ginagamit ko ang salitang pwede na iyan at bahala na. pero alam mo ba ang standards ng isang Pilipino kapag sinabi niyang pwede na yan at bahala na?

kung tungkol naman sa pagiging sensitibo naman natin sa kritisismo ng iba, sa palagay ko ay generaliation na naman iyan. marahil may mga nagagalit, pero may mga nakakaintindi rin. at kung sasabihin mong mas marami ang nagagalit, e di sige.dalawang punto ang maaaring ihain diyan, una, hindi naturuan ang mga may violent reaction ng humor or proper understanding of the situation. at ikalawa, nakakagalit naman kapag nakakanti. pagtutol naman lagi ang unang reaksyon kapag sinabihan ng masama. at sa mga boxing naman ni pacquiao, nagsasapakan na nga sila, anu ba naman yung makisigaw rin. okay lang iyun, pwede na iyun.

sa huli, mali na ang kultura natin ay anti-intellectual. ang pamahalaan natin ang anti-intellectual. dahil pinapanatili ng pamahalaan na kulang sa edukasyon ang mga pilipino. na mahirap sila. na nasisilaw sa kunting ibibigay. bakit? dahil mas kapaki-pakinabang ang mga pilipino para sa mga nasa gobyerno kung sila ay nasa ganitong sitwasyon.

sinabi mong "we ourselves...are responsible...for our condition!" kung tinutukoy mo ang we, bilang indibidwal, maniniwala ako sa iyo. pero parang tinutukoy mo ang isang lahi. parang we, as filipinos. hindi naman makatarungan iyun, dahil may mga pilipinong nagnanais isulong ang isang magandang bansa, pero pinipigilan sila ng pamahalaan.

ipagpatawad ang galit ko. oo, galit ako sa artikulong ito, dahil kinakalat ito sa facebook na maaaring maka-move ng ibang tao. at bilang pilipino, hindi ako papayag na sisihin ang kultura ko. itong kulturang ito ang humubog sa akin bilang tao. sa kulturang ito ako pinalaki ng aking mga magulang, dito ako pinatalino ng mga guro ko mula pa elementarya. at hindi ako papayag na yurakan lang ang lahat ng iyon.

nakakalungkot pa na may ad si Gordon sa page mo.

(reaction ko lang sa nabasa ko sa facebook: http://antipinoy.com/tyrannical-filipino-culture/#comment-10153)

2 comments:

  1. Salamat naman sa pagbisita mo sa post ko sa Antipinoy.com. Sana'y makita ng maraming tao ang diskusyon natin at mag-isip ng tama.

    ReplyDelete
  2. tama! thanks din! i enjoy the topic actually.

    ReplyDelete