Wednesday, July 7, 2010

Parusahan ang mga Pangit na Druvam ng Taxi Bill

Naiyak ako sa inauguration speech ni PNoy. Mababaw lang naman ako. Promises make me cry, among other things like could have beens, too much agitation, frustrating anger, fulfilled dreams, achieved vengeance and onions atbp. In no particular order.

Siguro kasabay kasi ng promise na ito ang pag-asa sa maraming bagay, pagkakaroon ng posibilidad sa mga nauna ng mga posibilidad. Una na ang pagbabayad ng nakaraang administrasyon sa saliw ng quotable quote na “There can be no reconciliation without justice!” Pero that’s too deep. Simpleng bagay lang muna tayo. Jam-jam lang. May justice din naman sa Wang-wang na mas tumatak sa akin.

Malamang, naisip ng gumawa ng speech ni PNoy na such anecdote will humanize him. Mas maaabot na siya ng masa dahil nakakaranas din siya ng trapik. Na-achieve naman. Appreciated, clap-clap. Tama na makakakuha ng batas na makakabuti sa mga tao, kung ang mga gumagawa at nag-i-implement nito ay nakakaranas kung paano maging karaniwang tao. Gusto ko sanang sabihing walang pero-pero, pero meron. Sana, I wish, maaari ba na dig deeper pa tayo. Maki join in pa tayo more sa usual peeps like the mga nagco-commute. Medyo levels kasi iyan.

Gumagamit ng wang-wang na nakakotse,
Sa ilalim nito ang mga plate numbers na isang digit lang
Nakakotseng may driver,
Nakakotseng walang bayarang driver
Nagko-commute.
Naka Taxi
Naka Shuttle
Naka Jeep/Bus et al.

Na-avail ni PNoy ang nakakotse, hindi ko alam kung may bayarang driver o wala. Pero sana, na-push pa niya some more. Nag-commute sana siya. Dahil kung ginawa niya ito, mas mahu-humanize siya. And with this, I will propose several bills.

First I proposed the “Parusahan ang mga pangit na Druvam ng Taxi Bill” and when I say pangit, yung pangit from the inside lang.

Pasakayin muna natin si PNoy ng taxi, sabihin niya Baseco, ano kaya ang resulta?

Sa una pa lang, maaari na siyang tanggihan ng driver. Mayroon ng batas na nagsasabing bawal tumanggi sa pasahero, pero may mangyayari ba?

Ikalawa, maaaring sige, pero dagdagan ninyo ang bayad ng seventy pesos. Maaari niyang ireklamo iyun, pero may mangyayari ba?

Ikatlo, maaaring isakay siya, pero habang nasa biyahe, maiinip ang driver at ibababa na siya. Pwede siyang humirit, pero may mangyayari ba?

Bigyan natin ng rule of thirds itong reklamo thingie, pero marami pang pedeng ireklamo regarding mga pangit ng druvam ng taxi.

Maging ang kalidad ng mga taxi, may mga bulok, may mga maiinit, though maraming maayos rin, pero nasaan na ang standards? Maaring ipagtanong ito, ngunit may mangyayari ba? Maging ang pagreresibo ng mga taxi na alam kong last year pa dapat fully implemented, hanggang ngayon, hindi pa tuluyang nararamdaman, hindi pa ako nabigyan ng resibo ng kahit isang taxi na nasakyan ko.

And of course, isama na ang mga driver na kung makarapor ay parang alam ang sinasabi. Na gusto mo na lang sabihan na, “manong, sige, daragdagan ko na lang ang bayad, pero magpanggap na lang kayong walang boses, magsalita pa rin kayo, pero walang boses, please?”

Napakasimple sigurong batayan nito para sabihing walang hustisya sa Pilipinas. Wala naman kasing namatay, hindi papasa ang eye for an eyeliner, tooth for toothbrush quote. Pero simula ito. Maaaring magsimula ang hustisya sa maliliit na bagay.

Uulitin ko, may mga batas na nga para dito, pero, may nangyayari ba? Mayroon man, hindi halata. Mahalagang mahalata ito ng bawat nagulangan ng mga taxi driver. Hindi ba nakapagtatakang iilan lang ang mga sumusubok mag text sa hotline? Why bother? At sa wika ng isang naka chat ko dati na hiningan ko ng number, “what for, this is not going anywhere?” (I was fat then). Niweis, Guys, patikim naman ng justice.

Paano ba ito maipakikita? Una, kailangan munang umaksyon sa mga pesteng taxi driver na ito para may maipakita. Ikalawa. Gamitin ang technology. Anubanaman yung magreply sa nagreklamo through text na, “ginagawan na po naming ng paraan,” at syempre mag follow up na rin na “okay na po, natanggalan na ng lisensya yung driver na nambastos sa inyo.” Napaka personal ng approach, pero ang fun.

There can be more creative ways. Pwede namang gumawa ng internet site kung saan ipakikita ang mga nahuling driver na naireklamo sa hindi pagtanggap ng pasahero. Abay tututukan ko ito para malaman kung nahuli na ang driver na nanggalit sa akin kahit minsan.

At dahil nga tututukan ko ang site na ito. Baka tutukan ko rin ito kung ipapalabas sa TV. Anu ba naman yung gumawa sila ng show sa NBN 4 para ditto. aba’y manonood ako ng 4 para makita ang mga nahuhuling masamang tao.

Tulungan naman nating maging pro-active ang mga mamamayan by showing them na may kinahihinatnan ang kanilang “pro-activeness.” (applicable din ito sa clean air act. Andami pa ring smoke belcher, pakita naman ninyong may mga nahuhuli at napaparusahan).

Sabi nga ng Milo, great things start from small beginnings, so patulan natin itong maliit na bagay na ito. May mga butil ng hustisyang magaganap sa mga ganitong sitwasyon dahil sa pambabastos ng mga taxi driver na ito, may mga biktimang nalamangan ang dangal, nanakawan ng oras, at tinanggalan ng pag-asang makakauwi ng maaga. Bigyan natin sila ng hustiya.

Idaragdag ko na rin, served justice also makes me cry.

Monday, July 5, 2010

Turuan Mo Naman Ako N'yan Bill

Medyo isang buwan akong walan gnaisulat, at halatang nagkaroon ng work bilang empleyado, kaya't may bago ng presidente nang makasulat muli ako, kaya ito, Makikisulat na rin kay P-Noy, baka i-consider niya ako bilang cabinet member, though kaya ko rin maging cabinet maker. so this is it,

Dear P-Noy,

Pengeng pera.

Biro lang. Hindi pa rin natitigil ang init ng usapin sa pagpasok ng Sex Education (na tinatago na sa ibang ngalan like gender ed or fuck ed) pero marami pa ring bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang Dep Ed at may isa muli akong suhestiyon na maaaring isabay sa pagtanggal ng mga wang wang at iba pang pagbabagong gagawin ni P-Noy.

Nais ko lang magkaroon ng isang kursong nakalaan sa Culture. Filipino Culture. Alam kong nagsisiksikan na ang mga subjects sa elementary na gumawa na sila ng “Makabayan” bilang compilation ng ilang subjects, kaya hihiling na lang ako na madagdagan at mapakapal pa ang programang ito.

Noong Elementary kami, naturo sa amin ang Filipino bilang isang subject. Wika at Panitikan na ito. Sa wika nakasama ang grammar, o balarilang Filipino, kung saan ko natutunan na mas maraming parts at figures of speech ang Filipino kumpara sa Ingles. At kung aaraling mabuti, mas evolved aang wikang Filipino, though hindi ko pa ito kayang patunayan dahil naalala ko lang ito noong elementary at naniwala na lang ako, bilang bata pa. May bahagi ng kultura ang natamaan sa mga usapin dito.

Wala akong masyadong natatandaan sa Sibika at Kultura bilang hanggang grade four lang yata ito naturo dahil nagign HEKASI na siya noong following years, natatanddan ko na lang ang ilang pahina ng books or yung mga posters na may sumasayaw na may hawak na mga bulaklak.

Sa MAPEH naman, parang na touch din ang mga musika at larong pinoy. Sa GMRC, nasabi ang mga mabubuting ugali. Kasama ang hospitality, na sa tingin ko ay mabuti ngunit kailangan ng talinong pag-uugali.

Maraming bahagi ng kultura ang natamaan, pero hindi naiukilkil sa isipan.ng mga bata, tulad ng pag-inculcate sa atin na ”hospitable” kayo, kaya tanggap lang kayo nang tanggap ng bisita. May mga bahagi kasi ng kultura na dapat pina-ptaktis para maisapuso. Tulad ng mga sayaw, para mas ma-aapreciate ng mga bata ang sayaw, dapat silang gawing bahagi ng sayaw.

Pero ang kultura ay hindi lang ang mga sayaw. May mga bahagi ang kultura na specific sa bawat lungsod at probinsya. At ito na ang specific subject na nais ko sanang mas palawigin pa. Magkaroon ng subject sa school na magtuturo sa bawat students ng kulturang ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Malaki rin ang maitutulong nito sa totohanang paglawig at hindi pagiging dormant kung hindi man tuluyang pagkamatay ng kultura ng isang lugar.

Halimbawa ko na ang Marikina bilang aking bayan kinalakihan, ay isang bayang proud sa pagkakaroon ng quality shoes. Pero alam naman nating hindi na ito totoo. Sige, napag-uusapan, pinapanatili pa rin ang tag bilang shoe capital of the Philippines, pero hindi nararamdaman. May mga kalsada akong nadaraanan noon na gumagawa talaga ng sapatos, ngunit ngayon, nagsara. Marahil, nalugi ang iba dahil sa kumpetisyon, ngunit nakakalungkot na mas kaunti pa sa iilan ang nangarap na ipagpatuloy ang pag gawa ng sapatos.

Nanatiling pangarap ng mga bata ang mga pangarap na popular sa telebisyon. Doctor, abogado, teacher, pulis sundalo artista. Pero nawala ang pagiging sapatero. Ako mismo, kahit sapatero ang ina ko, hindi ko naging option ang maging sapatero. Hindi ko nga alam ang alamoda e. Hindi naman kasi ako at ang iba pang mga bata na mabigyan ng chance na maging sapatero, marahil ay sinabi, ngunit hindi ba’t magiging mas pangarap ng mga batang maging sapatero kung naturuan silang gumawa ng sapatos?

May chance na magiging adik sila sa rugby, pero may chance din na may makakadiskubre na may kakayanan siyang gumawa ng magandang sapatos. Marahil mula mga batang matuturuang gumawa ng sapatos, may makakaisip na maging shoe designer. Hindi naman sila inu-obliga, bagkus ay isinasama lang sa kanilang options ang kanilang pinagmulan.

Sa bayan tulad ng Marikina, mas maa-appreciate ng mga tiga-marikina ang kanilang pagiging sapatero kung bata pa lamang sila ay tinuturuan na silang gumawa ng sapatos. huwag sanang ipagkamaling ninanais kon gmaging sapatero ang lahat ng tiga Marikina. Ang sinasabi ko lang ay ituro at iparanas sa kanila ang kanilang ipinagmamalaki, upang tunay nilang maipagmalaki, at para sa ibang mahihilig, maipagpatuloy. Then dignity of labor will follow.

Applicable din ito sa ibang syudad, sa Paete, Laguna kunwari, dapat may isang subject kung saan pinag-uukit talaga sila. Hindi naman kailangang maging lahat sa pag-ukit, pero para lang madiskubre ng ilang kabataan doon na may talento sila scuplture,


Ganun din doon sa isang bayan na napanood ko lamang kanina na tinulungan ni Bernadette Sembrano. Namamatay na kasi doon ang pagsusulat ng mga mangyan kung saan gumagamit pa ng pang-ukit at kawayan, parang Alibata. Sa palagay ko mas maganda, na sa eskwelahan doon, halimbawa, sa grade four, pagsulatin talaga sila ng alibata sa kawayan. Kahit papaano, mananatiling buhay ang ganoon kultura sa lugar nila.

Ganun din sa issue ng tinalak sa Timog Cotabato. Sa tribu ng T’boli, na malamang naman ay may paaralang malapit, i wish. I really wish, sana pinapanatili ang paggawa nila ng tinalak. Ito yung mga telang matagalang hinabi mula sa abaka na tanging mga babae lang ang gumagawa noong unang panahon, pero ngayon lalaki;t babae na ang gumagawa sa isang mass produced na sistema.




Nakakalungkot na sinasabi ng mga mamatanda doon na namatatay na ang tunay na essence nito, pero pwede pa rin itong buhayin. Kung instead of cross stitch ay tinalak ang ipagawa sa students sa South Cotabato, maaaring magustuhan nila ito bilang mga bata. Marahil, maraming mga bata an gmga mapapagod, ngunit maaaring maging Masaya na para sa mga gultural workers na sa bawat taon, may isa o dalawang muling gagawa ng tinalak dahil bumalik sa kanila ang galling ng kanilang mga ninuno.

Sa huli, higit pa sa pera ang maibibigay ng edukasyon sa bayan, na parang nagiging kultura na ng mga mahihirap. Mag-aral ka para maiahon tayo sa hirap. Mahihigyang buhay ng edukasyon ang kultura mula sa maliliit na bayan, probinsya na magpapatingkad sa buong bansa,