Friday, September 17, 2010

lipat bahay

parang ang hirap mag manage ng dalawang blogs. kaya't lilipat na po ang abetforsenator na blog tungo sa http://urbandud.wordpress.com/

dun na lang para isang blogaan na lang iyun!

Tuesday, September 7, 2010

Dengue: Diskusyon sa Dunong ng ating mga Doktor


Intelligence is a multi-faceted concept, and to some, knowing "faceted" is among its aspects. Ako, bilang alam ko ang faceted, ayan, naibigay ko pa ang synonym, papasa akong matalino.

Sinasabi ko lang naman ito dahil gusto kong kwestyunin ang pananaw ng mga Filipino na magagaling ang mga FIlipino. Well, totoo naman. Sinasabi rin yan ng mga chinese, na magagaling ang mga chinese. at ng mga lao, na magaling ang mga Laos. so its a matter of convincing ourselves of our capacity.

Pero gaano ba talaga katalino ang mga Filipino. Pagdating siguro sa hostage taking, napatunayan na natin ang ating galing sa mundo. Hindi tayo magaling. Though madali pa rin yang lusutan. Maaaring sabihin na kung hindi nilagyan ng pulitika, o kung nagpadala ng tamang tao, or kung mas matindi pa ang kapit kay God, baka nakita ng Earth na magaling ang mga Filipino. Pero tanggapin muna natin na hindi matatalino ang mga Pulis ng Pilipinas. or huwag nating tanggapin na hindi tayo magaling, tanggapin nating hindi magaling ang ating mga pulis. sila lang in particular. Hindi namang makatarungan na magagaling ang mga designers natin, tapos matatawag silang bobo dahil sa ating mga pulis. as i've said, intelligence is a multi-faceted thing.

Dahil palung-palo naman ang talino natin when it comes to talent. Aminin naman nating namamayagpag si Charice. At bilib naman talaga akos a batang iyan, bilang naging alaga ko siya for a while. Best din ang mga designers ng Pilipinas, mapa-anong klaseng design man yan. Ilatag na natin seven to nine forms ng art, kayang-kaya yang i-best ng mga Filipino.

Creativity-wise, ibibigay ko rin 'yan sa mga FIlipino. Maaari rin kasi itong resourcefulness-wise, at aminin na natin kun ggaano ka-resourceful ang mga pinoy, to the point na may kasabihan tayong "ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit!" Ang creative kaya nun, kakapit ka sa patalim. at mas creative yung mga nagigipit na hindi kumakapit sa patali,. maku-kwestyon ba ang resourcefulness ng mga Pilipinong naglilimborak sa ilalim ng poverty line. para mabuhay, kayang-kaya ng mga PIlipinong gawan ng paraan, kahit gaano man yan kahirap.

Ilagay na rin natin ang service-wise bilang in-demand ang mga Pilipino sa kahit anong serbisyong kailangan ng mundo.


Pero ngayon, may isang nilalang na humahamon sa galing ng Filipino. akshali, hindi nga humahamon, nagpapatunay na may hindi kayang gawin ang mga PInoy. Gusto ko sanang gawing mas specific, na yung mga nasa Medical profession lang, pero since hindi nga nila kaya, tayo pa kayong wala sa propesyong iyun. I'm talking about dengue. It has been in the country for so long. It has killed thousands, if not hundreds of thousands but still, we haven't found a vaccine against it.

I dont know kung madali o mahirap ang gumawa ng vaccine. Sige isipin na nating mahirap, pero hindi naman siguro singhirap to the point na hindi na gagawa. Ang pangagnanak nga mahirap, pero paulit-ulit pa rin ang paggawa ng bata. All I am saing is, posible ang makagawa ng vaccine, pero parang wala pang nagagawa ang Pilipinas.

Alam ko na hindi lang sa Pilipnas endemic ang dengue. Nagkalat ito sa mga bansang nasa belt bag ng earth, meaning mga nasa tropiko ng cancer at tropiko ng capricorn. Pero focus muna tayo sa pilipins my pilipins. It has affected the nephews of the country's president but there seemed to be no sense of urgency in finding a way to put an end to this.

Huwag nating sisihin ang kalinisan ng bansa. We are talking about lamok here at ang mga lamok nabuhay sa earth bago pa ang tao, ibig sabihin, kahit gaano kalinis ang lugar, magkakaroon at magkakaroon ng lamok at ang lamok na ito, maaaring may dengue. I'm not saying na tigilan na ang kalinisan, pero hindi ito ang paraan para mapigil ang dengue. We need to find a vaccine.

Naisip ko lang na kaya siguro hindi pa nagkakaroon ng vaccine dito ay dahil walang may kakayanang gumawa ng vaccine sa PIlipinas. Correct me if I am wrong and I will just say na "hindi halata," or "hindi sila showy!" "kaya't huwag na silang magtaka sa sinabi ni Susan sa Desperate Housewives?"

Well, hindi naman ako gumagawa ng problema na hindi magagawan ng solusyon. Of course, may naisip na ako. kung hindi kaya ng mga doctors, phramacist, med techsts, nurse, denstists, dermatologists, o kung ano mang facet ng medicine, gamitin natin ang ating mga resourceful at creative Filipino brothers and sisters.

Naniniwala rin kasi ako ng kung kaya nila, pagawa natin sa kanila. Remember the explosion ng AH1N! virus, sabi nila, matagal bago magawan ng vaccine against it, at para sa kanila, matagal ang six months, dahil wala pang isang taon, may vaccine na sila. ang tatalino nila, di'ba. Kumpara sa dengue na antagal nang tumitira sa atin, hanggang ngayon, wala pang bakuna.

Mabilis kumilos ang mga western country's sa paggawa ng vaccine dahil alam nilang affected sila. Ang population nila ay maaapektuhan. Para naman sa mga bansang hindi masyadong affected, alam nilang ang amerika ay may pambayad sa magagawa nilang bakuna against AH1N1.

At ito ang dapat nating gawin sa Dengue, kailangang maapektuhan ang mga matatalino ng sakit na ito, either lagyan natin ang populasyon nila, or kayanin nating magbayad ng gamot na maiimbento nila. Mas posible yung una, dahil mahirap na bansa ang PIlipinas, wala tayong pambili, at alam naman natin na ang populasyon nila ay malapit na malapit sa mga service providers natin, and im not talking about globe and smart, but with the people their dictionary once defined as Filipina. Minamaliit ninyo ang mga Filipino, hintayin ninyo, sasakupin namin ang mundo. wala kayong idea, hawak namin kayo sa aming mga kamay, kasama ng kutsilyo, walis, pandilig at iba pang gamit sa paglilinis.

'Yun na nga. Gamitin natin ang powers ng DH at OFWs natin para magkaroon ng Dengue sa Amerika, at tingnan natin kung hindi makabuo ng vaccine against dito. Pwede rin sa mga entertainers tayo magpadala, para sa Japan naman mapunta, siguro, may kakayanan din silang gumawa ng vaccine against it.

I know this is not a perfect plan. siguro malamig ang klima sa mga lugar na iyun kaya hindi nagkakadengue, pero i belive, unti-unti, makaka-evelove din ang mga lamok na 'yan tulad ng naka-adapt naman ang maraming Pilipino doon. Pilipino din naman ang mga lamok na ito.

We just have to give this a try, at least try. dahil ayon sa aking mga naririnig, at naoobserbahan, puro paglilinis pa lang ang nagagawa ng pamahalaan para solusyunan ang dengue.

Or for a much better suggestion , though feeling ko, mas imposible, pondohan na ng pamahalaan ang mga microbiologist ng Pilipinas. and i'll call this bill, the microbiology industry bill.

At siya nga pala, this goes for AIDS as well.

Friday, August 27, 2010

Manila Hostage Taking: It's Sho Show, It's Sho Time It's ShowTime

Maaari nating sabihin ang lahat ng opinyon natin sa naganap na Hostage Taking sa Quirino Grandstand, na makikita sa Wikipedia under "Manila hostage crisis" pero ang pinakavalid lang ay manggagaling kay Vice Ganda.

why not?

Hindi ba Showtime lang ang naganap.

pasok na pasok ang ganap sa konsepto ng palabas. Gusto mo bang sumikat, o gusto mo lang magpasikat? It's Showtime.

Umpisahan sa energy-energy para makuha ang attention ng madlang pipol.

"kami ang Manila Police District na galing sa Manila, ang capital city of the Philippines, na kilala bilang Capital City of the Philippines. ipapakita naming hindi namin kailangan ng ibang opisyales! dahil this is our show, this is our time, it's Showtime!" - pulis maynila.


Bakit ba kasi hindi ginawang national issue ang kaganapang ito at iniwan lamang sa kamay ng mga tiga-Maynila. hindi naman sa minamaliit ko ang mga tiga Maynila, bilang sila ang Capital City of the Philippines, pero ang kaganapan ay maglalagay sa tagumpay o kahihiyan ng buong bansa dahil may mga foreigners involved. parang nakita ng Maynila na this is a Make it or Break it situation sa kanilang kapulisan, but sadly it broke not just them but the whole sangkapulisan and the Philippines itself.

hindi ako sure kng dumating agn SWAT, pero parang wala naman akong nakitang ka-cotume nina Colin Farrel at Michelle Rodriguez sa area. ang natatandaan ko lang ay mga pulis sa gilid ng bus, na sinisiksik ang mga sarili sa gilid ng bus para hindi makita. teh, may side mirror. at hindi ko alam kung tiga SWAT yun, kasi hindi sila best. best ba yung pumasok sa bus na umuusok dahil hinagisan ng tear gas tapos biglang tatabas at kukuha ng tubig ulan at ipapahid sa mga mata? well, natawa ako.


at bakit nga ba may tear gas sa loob? kasi ang mga alagad ng batas na mga ito ay naniniwala sa mga sabi-sabi. para sa pulis, hindi nagsisiyasat ng ebidensya bago kumilos. sabi kasi ng driver na nakatakas, patay na ang lahat ng hostages. naniwala naman ang mga pulis, wala nang pakialam kung may buhay pa. e balita ko, nagsabi itong si Mendoza na ang gumalaw, papatayin niya. so malamang hindi gumagalaw ang mga hostages. at syempre, mga singkit iyun. maliliit ang mga mata, so akala ni manong druvam, nakapikit na. iyun, may i conclude na sina manong pulis na tegi na.

pero alam naman nating hindi ganito lahat ng mga Pulis sa Pilipinas, or even sa Manila. may mga mabubuti at magagaling na mga pulis pa rin naman around, kunyari tatay ko, isa siyang pulis. hindi man siya magaling na tatay, pero sasabihin kong magaling siya pulis, or mabait and ma-prinsipyo na lang as a pulis. kasi habang nagaganap ang hostage taking, kinuwento na nanay ko na nakahuli raw ng drug lord itong si itay. tinakot siya at binantaan ang buhay, pero hinuli pa rin niya. my god, nagka-opportunity pala si Daddy na maging drug lord, hindi pa niya ni-grab, e its so much easier to be a senator kung may tatay na drug lord.

well enough about me, nasaan ba ang mga pulis na tulad ng aking daddy na nakakahuli ng drug lord. or better, may chance makapigil ng bloody hostage crisis? ang balit ako lang nasa baguio sila. bakit hindi sila bumaba ng Manila, the Capital City of the Philippines? i dont know, maybe hindi nga sila pinatawag dahil may mga nagmamagaling. kasi feeling ko naman, kaya nilang tapatan yung mga tiga serbia. baka nga mas nauna pa silang dumating kesa sa mga journalist from Hongkong na dalawang oras lang, nasa Pilipinas na. parang they believe na "i dont care how you get here, just get here if you can."

na sana yun din ang ginawa nila sa hostage taker. dedma na kung paano nila mapapalabas ng bus si mendoza, just get him out of there if they can. para kasing they cant. anu ba naman yun may demand yung hostage taker, tapos sagutin ng "we'll see." parang okay, just don't call us, we'll call you." ambayun?

huwag naman sabihing parang alam ko dapat ang gagawin, pero na hostage na ako at naging negotiator na rin at the same time. as in sabay. imagine having a demanding baby na ayaw kang palabasin sa bahay to go to work, iiyak na. paano mo patatahanin, hindi ba, ibibigay mo muna ang gusto, uutuin, hanggang sa makuha ninyong pareho ang gusto ninyo, pero at the end, ikaw ang masusunod dahil ikaw ang magulang. gagalitin mo pa ba lalo ang bata? papaluin pa ba? ipapakita ang kapatid na sinasaktan?

i dont blame the media. gusto kong nakiki epal sila as much as they can kasi that's the only way na makaka epal din ako. trabaho nila yan, para silang mga holdapers na hindi alam kung paano kikita ng pera kapag may gun ban. pero may mga taong nagma-manage dapat sa kanila, kung hanggang saan sila. hindi ba nga, ang mga holdapers pinapanatili sa mga madidilim at delikadong lugar, dun din dapat ilagay ang mga media ng pulis. hindi tutok-tutok.

haay, sige na nga. tama na. nangyari na ang nangyari. quote ang quote yan sa mga matatandang gustong mag move on. at para naman sa iba. makakalimutan rin yan. mapapalista rin yan sa Hllo Garci scandal, sa Ampatuan Massacre, Ondoy, 2012, and the likes. pero sa ngayon, Madlang Pipol! Score N'yo, Show N'yo!

Wednesday, July 7, 2010

Parusahan ang mga Pangit na Druvam ng Taxi Bill

Naiyak ako sa inauguration speech ni PNoy. Mababaw lang naman ako. Promises make me cry, among other things like could have beens, too much agitation, frustrating anger, fulfilled dreams, achieved vengeance and onions atbp. In no particular order.

Siguro kasabay kasi ng promise na ito ang pag-asa sa maraming bagay, pagkakaroon ng posibilidad sa mga nauna ng mga posibilidad. Una na ang pagbabayad ng nakaraang administrasyon sa saliw ng quotable quote na “There can be no reconciliation without justice!” Pero that’s too deep. Simpleng bagay lang muna tayo. Jam-jam lang. May justice din naman sa Wang-wang na mas tumatak sa akin.

Malamang, naisip ng gumawa ng speech ni PNoy na such anecdote will humanize him. Mas maaabot na siya ng masa dahil nakakaranas din siya ng trapik. Na-achieve naman. Appreciated, clap-clap. Tama na makakakuha ng batas na makakabuti sa mga tao, kung ang mga gumagawa at nag-i-implement nito ay nakakaranas kung paano maging karaniwang tao. Gusto ko sanang sabihing walang pero-pero, pero meron. Sana, I wish, maaari ba na dig deeper pa tayo. Maki join in pa tayo more sa usual peeps like the mga nagco-commute. Medyo levels kasi iyan.

Gumagamit ng wang-wang na nakakotse,
Sa ilalim nito ang mga plate numbers na isang digit lang
Nakakotseng may driver,
Nakakotseng walang bayarang driver
Nagko-commute.
Naka Taxi
Naka Shuttle
Naka Jeep/Bus et al.

Na-avail ni PNoy ang nakakotse, hindi ko alam kung may bayarang driver o wala. Pero sana, na-push pa niya some more. Nag-commute sana siya. Dahil kung ginawa niya ito, mas mahu-humanize siya. And with this, I will propose several bills.

First I proposed the “Parusahan ang mga pangit na Druvam ng Taxi Bill” and when I say pangit, yung pangit from the inside lang.

Pasakayin muna natin si PNoy ng taxi, sabihin niya Baseco, ano kaya ang resulta?

Sa una pa lang, maaari na siyang tanggihan ng driver. Mayroon ng batas na nagsasabing bawal tumanggi sa pasahero, pero may mangyayari ba?

Ikalawa, maaaring sige, pero dagdagan ninyo ang bayad ng seventy pesos. Maaari niyang ireklamo iyun, pero may mangyayari ba?

Ikatlo, maaaring isakay siya, pero habang nasa biyahe, maiinip ang driver at ibababa na siya. Pwede siyang humirit, pero may mangyayari ba?

Bigyan natin ng rule of thirds itong reklamo thingie, pero marami pang pedeng ireklamo regarding mga pangit ng druvam ng taxi.

Maging ang kalidad ng mga taxi, may mga bulok, may mga maiinit, though maraming maayos rin, pero nasaan na ang standards? Maaring ipagtanong ito, ngunit may mangyayari ba? Maging ang pagreresibo ng mga taxi na alam kong last year pa dapat fully implemented, hanggang ngayon, hindi pa tuluyang nararamdaman, hindi pa ako nabigyan ng resibo ng kahit isang taxi na nasakyan ko.

And of course, isama na ang mga driver na kung makarapor ay parang alam ang sinasabi. Na gusto mo na lang sabihan na, “manong, sige, daragdagan ko na lang ang bayad, pero magpanggap na lang kayong walang boses, magsalita pa rin kayo, pero walang boses, please?”

Napakasimple sigurong batayan nito para sabihing walang hustisya sa Pilipinas. Wala naman kasing namatay, hindi papasa ang eye for an eyeliner, tooth for toothbrush quote. Pero simula ito. Maaaring magsimula ang hustisya sa maliliit na bagay.

Uulitin ko, may mga batas na nga para dito, pero, may nangyayari ba? Mayroon man, hindi halata. Mahalagang mahalata ito ng bawat nagulangan ng mga taxi driver. Hindi ba nakapagtatakang iilan lang ang mga sumusubok mag text sa hotline? Why bother? At sa wika ng isang naka chat ko dati na hiningan ko ng number, “what for, this is not going anywhere?” (I was fat then). Niweis, Guys, patikim naman ng justice.

Paano ba ito maipakikita? Una, kailangan munang umaksyon sa mga pesteng taxi driver na ito para may maipakita. Ikalawa. Gamitin ang technology. Anubanaman yung magreply sa nagreklamo through text na, “ginagawan na po naming ng paraan,” at syempre mag follow up na rin na “okay na po, natanggalan na ng lisensya yung driver na nambastos sa inyo.” Napaka personal ng approach, pero ang fun.

There can be more creative ways. Pwede namang gumawa ng internet site kung saan ipakikita ang mga nahuling driver na naireklamo sa hindi pagtanggap ng pasahero. Abay tututukan ko ito para malaman kung nahuli na ang driver na nanggalit sa akin kahit minsan.

At dahil nga tututukan ko ang site na ito. Baka tutukan ko rin ito kung ipapalabas sa TV. Anu ba naman yung gumawa sila ng show sa NBN 4 para ditto. aba’y manonood ako ng 4 para makita ang mga nahuhuling masamang tao.

Tulungan naman nating maging pro-active ang mga mamamayan by showing them na may kinahihinatnan ang kanilang “pro-activeness.” (applicable din ito sa clean air act. Andami pa ring smoke belcher, pakita naman ninyong may mga nahuhuli at napaparusahan).

Sabi nga ng Milo, great things start from small beginnings, so patulan natin itong maliit na bagay na ito. May mga butil ng hustisyang magaganap sa mga ganitong sitwasyon dahil sa pambabastos ng mga taxi driver na ito, may mga biktimang nalamangan ang dangal, nanakawan ng oras, at tinanggalan ng pag-asang makakauwi ng maaga. Bigyan natin sila ng hustiya.

Idaragdag ko na rin, served justice also makes me cry.

Monday, July 5, 2010

Turuan Mo Naman Ako N'yan Bill

Medyo isang buwan akong walan gnaisulat, at halatang nagkaroon ng work bilang empleyado, kaya't may bago ng presidente nang makasulat muli ako, kaya ito, Makikisulat na rin kay P-Noy, baka i-consider niya ako bilang cabinet member, though kaya ko rin maging cabinet maker. so this is it,

Dear P-Noy,

Pengeng pera.

Biro lang. Hindi pa rin natitigil ang init ng usapin sa pagpasok ng Sex Education (na tinatago na sa ibang ngalan like gender ed or fuck ed) pero marami pa ring bagay na dapat pagtuunan ng pansin ang Dep Ed at may isa muli akong suhestiyon na maaaring isabay sa pagtanggal ng mga wang wang at iba pang pagbabagong gagawin ni P-Noy.

Nais ko lang magkaroon ng isang kursong nakalaan sa Culture. Filipino Culture. Alam kong nagsisiksikan na ang mga subjects sa elementary na gumawa na sila ng “Makabayan” bilang compilation ng ilang subjects, kaya hihiling na lang ako na madagdagan at mapakapal pa ang programang ito.

Noong Elementary kami, naturo sa amin ang Filipino bilang isang subject. Wika at Panitikan na ito. Sa wika nakasama ang grammar, o balarilang Filipino, kung saan ko natutunan na mas maraming parts at figures of speech ang Filipino kumpara sa Ingles. At kung aaraling mabuti, mas evolved aang wikang Filipino, though hindi ko pa ito kayang patunayan dahil naalala ko lang ito noong elementary at naniwala na lang ako, bilang bata pa. May bahagi ng kultura ang natamaan sa mga usapin dito.

Wala akong masyadong natatandaan sa Sibika at Kultura bilang hanggang grade four lang yata ito naturo dahil nagign HEKASI na siya noong following years, natatanddan ko na lang ang ilang pahina ng books or yung mga posters na may sumasayaw na may hawak na mga bulaklak.

Sa MAPEH naman, parang na touch din ang mga musika at larong pinoy. Sa GMRC, nasabi ang mga mabubuting ugali. Kasama ang hospitality, na sa tingin ko ay mabuti ngunit kailangan ng talinong pag-uugali.

Maraming bahagi ng kultura ang natamaan, pero hindi naiukilkil sa isipan.ng mga bata, tulad ng pag-inculcate sa atin na ”hospitable” kayo, kaya tanggap lang kayo nang tanggap ng bisita. May mga bahagi kasi ng kultura na dapat pina-ptaktis para maisapuso. Tulad ng mga sayaw, para mas ma-aapreciate ng mga bata ang sayaw, dapat silang gawing bahagi ng sayaw.

Pero ang kultura ay hindi lang ang mga sayaw. May mga bahagi ang kultura na specific sa bawat lungsod at probinsya. At ito na ang specific subject na nais ko sanang mas palawigin pa. Magkaroon ng subject sa school na magtuturo sa bawat students ng kulturang ipinagmamalaki ng kanilang bayan. Malaki rin ang maitutulong nito sa totohanang paglawig at hindi pagiging dormant kung hindi man tuluyang pagkamatay ng kultura ng isang lugar.

Halimbawa ko na ang Marikina bilang aking bayan kinalakihan, ay isang bayang proud sa pagkakaroon ng quality shoes. Pero alam naman nating hindi na ito totoo. Sige, napag-uusapan, pinapanatili pa rin ang tag bilang shoe capital of the Philippines, pero hindi nararamdaman. May mga kalsada akong nadaraanan noon na gumagawa talaga ng sapatos, ngunit ngayon, nagsara. Marahil, nalugi ang iba dahil sa kumpetisyon, ngunit nakakalungkot na mas kaunti pa sa iilan ang nangarap na ipagpatuloy ang pag gawa ng sapatos.

Nanatiling pangarap ng mga bata ang mga pangarap na popular sa telebisyon. Doctor, abogado, teacher, pulis sundalo artista. Pero nawala ang pagiging sapatero. Ako mismo, kahit sapatero ang ina ko, hindi ko naging option ang maging sapatero. Hindi ko nga alam ang alamoda e. Hindi naman kasi ako at ang iba pang mga bata na mabigyan ng chance na maging sapatero, marahil ay sinabi, ngunit hindi ba’t magiging mas pangarap ng mga batang maging sapatero kung naturuan silang gumawa ng sapatos?

May chance na magiging adik sila sa rugby, pero may chance din na may makakadiskubre na may kakayanan siyang gumawa ng magandang sapatos. Marahil mula mga batang matuturuang gumawa ng sapatos, may makakaisip na maging shoe designer. Hindi naman sila inu-obliga, bagkus ay isinasama lang sa kanilang options ang kanilang pinagmulan.

Sa bayan tulad ng Marikina, mas maa-appreciate ng mga tiga-marikina ang kanilang pagiging sapatero kung bata pa lamang sila ay tinuturuan na silang gumawa ng sapatos. huwag sanang ipagkamaling ninanais kon gmaging sapatero ang lahat ng tiga Marikina. Ang sinasabi ko lang ay ituro at iparanas sa kanila ang kanilang ipinagmamalaki, upang tunay nilang maipagmalaki, at para sa ibang mahihilig, maipagpatuloy. Then dignity of labor will follow.

Applicable din ito sa ibang syudad, sa Paete, Laguna kunwari, dapat may isang subject kung saan pinag-uukit talaga sila. Hindi naman kailangang maging lahat sa pag-ukit, pero para lang madiskubre ng ilang kabataan doon na may talento sila scuplture,


Ganun din doon sa isang bayan na napanood ko lamang kanina na tinulungan ni Bernadette Sembrano. Namamatay na kasi doon ang pagsusulat ng mga mangyan kung saan gumagamit pa ng pang-ukit at kawayan, parang Alibata. Sa palagay ko mas maganda, na sa eskwelahan doon, halimbawa, sa grade four, pagsulatin talaga sila ng alibata sa kawayan. Kahit papaano, mananatiling buhay ang ganoon kultura sa lugar nila.

Ganun din sa issue ng tinalak sa Timog Cotabato. Sa tribu ng T’boli, na malamang naman ay may paaralang malapit, i wish. I really wish, sana pinapanatili ang paggawa nila ng tinalak. Ito yung mga telang matagalang hinabi mula sa abaka na tanging mga babae lang ang gumagawa noong unang panahon, pero ngayon lalaki;t babae na ang gumagawa sa isang mass produced na sistema.




Nakakalungkot na sinasabi ng mga mamatanda doon na namatatay na ang tunay na essence nito, pero pwede pa rin itong buhayin. Kung instead of cross stitch ay tinalak ang ipagawa sa students sa South Cotabato, maaaring magustuhan nila ito bilang mga bata. Marahil, maraming mga bata an gmga mapapagod, ngunit maaaring maging Masaya na para sa mga gultural workers na sa bawat taon, may isa o dalawang muling gagawa ng tinalak dahil bumalik sa kanila ang galling ng kanilang mga ninuno.

Sa huli, higit pa sa pera ang maibibigay ng edukasyon sa bayan, na parang nagiging kultura na ng mga mahihirap. Mag-aral ka para maiahon tayo sa hirap. Mahihigyang buhay ng edukasyon ang kultura mula sa maliliit na bayan, probinsya na magpapatingkad sa buong bansa,

Sunday, May 9, 2010

Senators namain!

meron na akong presidente at vice president.
meron na rin akong congressman, mayor at vice mayor.

wala pa akong senador. at ito na ang aking pag-iisip.

may mga rules kasi akong ginawa para bumoto ng senador, at ginawa ko iyun para maiboto ko yung isang para sa meant to be broken aspect.

sa tingin ko, since transient ang mga senator, hindi ito pwedeng gawing profession, mayroon na bang senator emeritus? so hindi ko iboboto yung matatagal ng senador: kit tatad, Serge Osmena, Teofisto Guingona, Bong Revilla pero may isang senador na lagi kong iboboto!

1. Miriam Defensor Santiago

at isa pa, kahit tatakbo ulit siya, exception ko rin si

2. Franklin Drillon

kung tatakbo nga ulit si Juan Flavier, iboboto ko pa rin.

mahalaga rin ang partido... hindi ko iboboto ang mga hindi iniindorso ng partido nila tulad nina Gwendolyn Pimentel, Ramon Monmon Mitra, Susan Ople, at Pia Cayetano. sabi kasi ng campaign nila, kailangan ang iboboto ay yung "may kakayanang gumaa ng sariling pangalan." obviously itong mga ito, banking on the names ng kanilang mga magulang. just like noynoy. so why vote for them, if i wont vote for noynoy? Pero si Pia Cayetano, hindi ko iboboto for another level pa.

Medyo mahalaga sa akin ang looks so boboto rin ako ng magaganda at gwapo. dahil alam naman natin na ang politika sa pilipinas ay parang soap opera, gusto ko naman ng magagandang makikita sa TV. kaya go ako kina

3. Adel Tamano,
4. Riza Hontiveros

pero kahit maganda si Pia Cayetano, hindi ko siya iboboto dahil nakaupo pang senador ang kapatid niya. huwag naman sana nating palampasin ito. bawal ang political dynasty. kahit qualified silang dalaa para maging senador, pwede namang pagkwentuhan nila sa bahay yung mga gusto nilang mangyari sa bayan at isa na lang ang maging senador. i have nothing against her, pero huwag sana nating palampasin ang mga ganito kalakin ghindi pagsunod sa batas.

Hindi ko rin iboboto ang mga artista at may konek sa kanila dahil alam naman nating umaakting sila. hindi maganda sa reality show ang totoong artista, hindi nagre-rate. more so, hindi ko rin naman sila binoto noon pa: Bong Revilla, Tito Sotto, Ralph Recto, Lito Lapid, at muli kong iboboto yung mga hindi nanalong binoto ko

5. Sonia Roco

at tulad niya gusto ko rin ng mga bagong dugo. mga bagong mukha. mga bagong propesyon.

6. Neri Acosta dahil teacher siya.
7. Martin Bautista dahil gastroenterologist siya.
8. Kata Inocensio dahil UP Rep siya.
9. Satur Ocampo dahil magsasaka.

at pinapatawad ko na siya sa pagkampi niya kay Villar. at least, meron siyang ways and means strategy. maganda naman ang nasabi ukol sa history niya na sinabi sa akin sa UP, though iboboto ko talaga siya dahil magsasaka siya.

at dahil na rin nabanggit ang history, huwag natin kalimutan ang mga nagdaan. tandaan natin ang rehimeng marcos. so hindi ko iboboto ang kahit sinong may kaugnayan sa pamilya nila. pamilya nila ang nagkasala, magbayad silang lahat. ganun din sa mga naging magdalo, sapat na ang isang magdalo sa senado, huwag na si Querubin at si Lim. palpak naman ang mutiny na iyun. malay nga ba ko kung palabas lang din iyun.

May mga matatalinong tao rin sa iabng partido, kahit medyo praise the lord sila. and for that iboboto ko si

10. Ramoncito Ocampo

siya ang lalaban kay Risa sa issue ng Reproductive Health. siya lang ang narinig kong tumutol sa RH Bill na hindi nagbanggit ng abortion, kundi ang feasibility at budgeting ng bill. so pakiboto ninyo siya, for me please.

kulang pa ako ng tatlo. so either Erap or Jinggoy ako. pag binoto ko si Erap, hindi na si Jinggoy. gusto ko kasing may isa sa kanilang maiwan. so si Erap na lang. sorry muna Jinggoy.

grabe yung dalawa na lang. parang kailangan ko ng dalawa pang babae para tig-anim. pero okay lang na hindi. gusto ko pala kasi si

11. Gilbert Remulla

nandoon siya sa category na gwapo, new blood, journalist kasi siya.

at panghuli. hindi pa ako sure kay Lisa Masa. hindi kasi ako fan ng Gabriella. sana huwag magalit ang mga friends kong go for the go kay Mareng Lisa. isa lang sa kanila ni Satur ang pwede for me. for variation purposes lang. basta pag-iisipan ko na lang. pwede namang hindi twelve, di'ba?


Thursday, May 6, 2010

Party List! Party Pips!

ang bilis ng mga events ngayong election. hindi pa natatapos ang isang issue, another na agad ang papalit. mahihiya ang bakla sa call center na may mottong collect and collect and then aids.

niweis, ibalik ko lang ang issue ng mga party lists na alam naman nating hawak ng administrasyon at pag naupo na ay magsasabi nang Ayyy to confirm the judgment in favor of madang. so take note of that very particular issue and dont let go. at para matandaan natin ito, i-google ninyo ang listahan.

ang napansin ko lang sa list, ay hindi masyadong sure win ang approach at madaling pagbintangan. hello, very obvious naman na hindi security guard si Mikey Arroyo. sabi, inimbitahan daw siya ng mga sukyu, pero walang alam dito ang guard sa school namin nung elementary na si Mang Emil slush Emil Guard. dapat, sinama nila ako sa planning at makakapag-provide ako ng mga party lists na sure win at go for the go talaga! ito, lima pa lang.

Party List 1: 1-AABAA BAA
Ako Ay Babaeng Ako Ay Babaeng Astig Aalagwa
iyan, who cares kung kanino nagke-cater ito, ang mahalaga, siya ang number one sa listahan. at since may babae sa pangalan, may chance na iboto ito ng mga babae. at dahil dalawa ang babaeng nabanggit. baka madoble rin ang boto.

Party List 2: Partido ng Manggagaway
ang partido ng mga hindi naka-experience ng doctor
since hindi literatura ang mga mangkukulam sa pilipinas, but reality dahil ang doktor sa marami ay konsepto lang, tiyak, maraming marginalized individual ang boboto sa partidong ito. and of course, goal naman talaga ng pamahalaan na manatiling umaasa sa mga mangkukulam at faith healers ang mga pinoy lalo na sa kanayunan, dahil maging mga volunteers na nagseseminar para sa medical mission ay pinagbibintangang bad. teka, nabigyan na ng posisyon ang manikurista, ang kardinero, siguro meron ding personal zenaida zeba or madam rosa diyan na pwedeng humawak dito.

Party List 3: AAArabo
ang partido ng mga bumbay at umaasa sa 5-6
alam naman nating iilan lang ang nakakatanggap ng pondo mula sa gobyerno para magkapondo para sa sariling negosyo. nagkalat pa rin ang mga bumbay at ang mga umaasa sa kanila.

Party List 4: PresCon
ang Partido ng mga Preso at Ex-con.
kasama dito ang mga kriminal na nakakulong, ikukulong at nakalaya na. kasama rin dito ang mga takas slash, puga. kasama na rin dito ang mga nakakaiwas sa kulungan. marami silang pwedeng gawing representative ng partidong ito. kahit sino sa kanila ay pasok sa konsepto ng nakakaiwas sa preso. at huwag nang gawing issue na hindi makakaboto ang mga nakakulong, dahil in the first place, nasa presinto na sila! bwahahaha!

Party List 5: Anakpangit
ang partido ng mga anak ng pangit
basta anak ka at pangit. iboboto mo ito.
ang representative, si Luli.

Wednesday, May 5, 2010

Abet versus the Yosi Gurl

mula sa ABS CBN, ang daan ko pauwi ay via commonwealth, batasan road, papuntang Marikina. mula sa ABS CBN, nag FX ako hanggang sa Sandigan. usually, tatlo ang options ko.

mag-taxi. in-atempt ko, kaya lang, bumungad agad ng dagdagan mo na lang, wala akong pasahero doon. manong, bago ako dumating, wala rin kayong pasahero. since wala rin akong barya sa 100, e 80 lang ang usual fare,hindi na ako sumakay dahil mukhang hindi marunong magsukli itong druvam na ito.

mag-jeep. dalawa ang pwedeng sakyan. papuntang san mateo, at papuntang sta lucia. antagal mag-abang, to the point na naisip kong, hindi naman ako masyadong practising catholic kaya hindi dumarating ang mga saints na ito.

mag-tricycle. malaki ang terminal ng tricycle sa sandigan. lahat ng pupuntahan nandoon. nasa dulo ang patungong Banaba na dapat kong sakyan. Fiesta level ang mga banderitas ng kandidato patungo doon. at pagdating doon, lima na ang sakay g tricycle sa bungad. yung tricycle druvam, yung dalawang nasa likod niya, at dalawa sa loob. ako ang pang-anim. ine-expect akong umupo sa kapirasong sulok doon sa loob ng tryl. may mga sariling batas ang mga tricycle dito. kailangang punuin bago magsakay sa susunod.

isn't it a wonder kung paano napagkakasya ang mga tao sa ganito kalit na tricycle, e hind naman singbendy ng daga ang buto natin, lalo pa ako, pero alam ko, with my belief system, magkakasya ako. papasok na ako sa tryk nang bumuga ng usok ang babaeng nakaupo sa tabi ng pinto. ay si ate, yosi much.

bago kasi ang shorts ko, na na-in-danger na dumikit sa yosi niya. hindi nag-sorry ang luka. hindi ako tumuloy sa pagpasok. aawayin ko ba si ate? papatol ba ako sa babae? hindi yata, gentle manly iyun. masamang awayin ng lalaki ang babae. so umisip ako ng ibang anggulo. ay laban na lang ito ng smoker at non smoker. ayan, pwede na. hindi ako pumasok. tumayo ako sa may pinto ng tryk.

nagsalita si Manong druvam. hindi aandar ito, hangga't hindi puno. kasya ka diyan

abet: alam ko po. pero hindi po ako papasok hangga't may naninigarilyo.

druvam: matatagalan ka pa mag-antay pag may nauna sa iyo diyan. naka trenta minutos na kami sa pag-aantay sa'yo.

abet: ay sabihan po ninyo yung naninigarilyo kung gusto ninyong mapabilis.

si ate, hit-hit buga pa rin. hindi nagsalita. may kahabaan pa naman ang stick niya.

tumayo lang ako.

sumingit na si ate 2. huwag ka ng maarte. sumakay ka na.

abet: bawal pong manigarilyo sa mga pampublikong lugar. kartihan po ba ang maniwala doon?

si ate hindi pa rin nagpatinag sa paninigarilyo. hindi na humithit, parang ayaw maubos nang kanyang yosi. e kusa namang nauubos yun dahil may baga.

hindi rin ako nagpatinag. wala pa ring dumarating na papalit sa pwesto ko para maiwan ako. akshali, kinakabahan ako dahil matagal talaga maghintay. pero dedma. dapat parang bibe, grace under pressure.

hanggang sa naubos yosi ni ate na na hindi na niya nahithit. tinapon rin niya after. nag-aksya kami ng oras.

may paparating na kuya. papasok na dapat. inunahan ko. umandar ang motor.

Ate 2: si Kuya, kung magmaganda, nakakaabala.

Abet: wala naman pong masamang magmaganda kung maganda naman talaga.

Ate: wala naman sa panlabas ang tunay na ganda.

saka ko lang natingnan si Ate. medyo plump ang face niya. doble baba, hindi pantay ang kaitiman ng mukha.at may mga pimples din above other pimples.

Abet: ay, ate, tutol dyan ang baga mo.

tapos hindi na kami nagsalita lahat.

Tuesday, April 27, 2010

"tol, it's the government, not the culture" isang reaction paper

tatagalugin ko na lang, dahil mas magandang pagusapan ang kulturang pilipino sa ganitong wika, at ang mga tututol dahil sa hindi pagkaintindi ay walang karapatang tumuligsa.

una sa palagay ko, ang pilipinas ang isa sa may pinakamagandang kultura sa mundo. hindi ko kasi naranasan ang ibang kultura. pero isa-isahin natin. isa ang pilipinas sa mga bansa na may mataas na pagtingin sa babae. isa ang pilipinas sa may matinding kapit sa pamilya. magalang tayo sa matatanda. mabuting tumanggapng bisita. ilan lang ito sa mga natatandaan ko noong GMRC days sa elementarya.

ang argumento kasing naisulat ay dapat sisihin ang kultura higit sa gobyerno. tutol ako nambongga. ang gobyerno ang sumisikil sa mga mamamayan upang bumubo ng hindi magagandang kultura.

Unahin natin kay Erap. hindi naman alam ng mga tao na sugarol, lasenggo, babaero at panginoon ng krimen si Erap bago siya ihalal. lumabas lang ang isyu na ito noong may nagnais magpatalsik sa kanya. at hindi buong bansa ang nagnais nun. iilang tao lang na ginamit ang buong bansa. kung may kultura mang naganap dito, ay madaling maniwala sa sabi-sabi ang mga Pilipino.

sa totoo lang, hindi naman si GMA ang gusto ng mga tao noon na maupo pagkatanggal kay Erap, pero nakagawa ng paraan si GMA na makuha ang posisyon. marahil, siya talaga ang may gustong mapaalis si Erap sa pwesto. ngayon, sa isyu naman ng pagkanais ng mga taong matanggal si GMA, hindi na ito isyu matapos ang EDSA rev 2. alalahanin nating nagkaroon na ulit ng eleksyon kung saan ayon sa sabi-sabi rin na nandaya siya. itong sabi-sabi ring ito ang nagpatalsik kay Erap, ngunit bakit hindi nito magawang patalsikin si GMA. dahil nasa gobyerno si GMA at siya ang nasa kapangyarihan.

tungkol sa issue mo nang pagkalalaki. hasty generalisation. totoong we have men who can pray the rosary and go to mass everyday, pero hindi nila ginagawa iyun. kaya nila pero hindi nila ginagaa. not unless prayle sila, na tututol naman sa katuloy ng talatang ito na "bear many children."

ukol sa go forth and multiply. alalahanin nating ang katolisismo ay acquired culture. galing iyan sa mga kastila kaya ang go forth and mulitply ay hindi natin kultura. ipinamukha lang sa atin, at bilang masunuring bansa. sumunod naman tayo. pero higit pa sa kultura. tungkulin ng gobyerno na panatilihing mulat, matalino at angat sa kahirapan ang populasyon ng bansa, at hindi ito nagagawa ng gobyerno. kung sapat ang trabaho sa pilipinas, at kung sapat ang edukasyon ng mga mamamayan, ang mga tambay sa kantong nagpaparami lang ng anak ay may ibang gagawin higit sa go forth and multiply. ang mga squaters ba ay magsisiksikan sa maynila kung ang local na gobyerno na probinsya nila o nang kanayunan ay nakakapagbigay ng hanapbuhay sa kanilang lugar?

at diyan na rin papasok ang issue ng mga OFW. hindi naman kultura ng mga Pilipino ang maging proud sa mga OFW. ipinalulunok sa atin ito ng gobyerno. binu-boost ang ego ng mga pinoy na alipin sa ibang bansa at pinapangalanan silang bayani. pero gusto ba talaga nitong mga ito na mangibambansa? hindi. mas gusto nila sa pamilya nila, ngunit hindi sapat ang trabaho at kita dito sa Pilipinas at tungkulin ng pamahaalan na gawin ito. at paano mo naman nasabing ang perang ginagamit nila ay napupunta sa hypocrite masculinity, hindi naman yata magandang konotasyon na para sa iyo, mga babae lang ang mga OFW.

tanungin natin bakit gusto ng mga kabataang maging artista, at hindi mga tunay na artists o kung anumang propesyunal. una, sinong buhay buhay na doktor ba ang pinakikilala sa mga bata, ilan sila? may scientist ba sa pilipinas? kilala ba sila ng mga batang ito? hindi binibigyan ng pamahalaan ng totoong opsyon itong mga batang ito. at huling argumento, anong masama sa pag-a-aspire na maging artista? Nora Aunor is a very good actress, masamang mangarap na maging katulad niya? Hindi ba totoong sining ang ipinakitang galing ni Nora Aunor? grabe namang pangmamaliit iyan sa isang industriya. Sige sisihin natin ang Wowowee pero huwag nating i-brand ang mga Lopezes nan gpagiging manipulative. ang lahat ng media ay minamanipula ng mga nasa kapangyarihan.

nakakalungkot na ang tinutukoy mong mga kultura ay maliliit. ilang tao ba ang sumisigaw kapag may kausap sa cellphone at ilan ang naiirita doon sa taong iyon? kung sasabihin nating ang kultura ay ang ginagawa ng mas marami. may kultura tayong mainis sa mga taong sumisigaw sa kausap sa cellphone. hindi ko na i-expound. gets na yan.

ako bilang tao, ginagamit ko ang salitang pwede na iyan at bahala na. pero alam mo ba ang standards ng isang Pilipino kapag sinabi niyang pwede na yan at bahala na?

kung tungkol naman sa pagiging sensitibo naman natin sa kritisismo ng iba, sa palagay ko ay generaliation na naman iyan. marahil may mga nagagalit, pero may mga nakakaintindi rin. at kung sasabihin mong mas marami ang nagagalit, e di sige.dalawang punto ang maaaring ihain diyan, una, hindi naturuan ang mga may violent reaction ng humor or proper understanding of the situation. at ikalawa, nakakagalit naman kapag nakakanti. pagtutol naman lagi ang unang reaksyon kapag sinabihan ng masama. at sa mga boxing naman ni pacquiao, nagsasapakan na nga sila, anu ba naman yung makisigaw rin. okay lang iyun, pwede na iyun.

sa huli, mali na ang kultura natin ay anti-intellectual. ang pamahalaan natin ang anti-intellectual. dahil pinapanatili ng pamahalaan na kulang sa edukasyon ang mga pilipino. na mahirap sila. na nasisilaw sa kunting ibibigay. bakit? dahil mas kapaki-pakinabang ang mga pilipino para sa mga nasa gobyerno kung sila ay nasa ganitong sitwasyon.

sinabi mong "we ourselves...are responsible...for our condition!" kung tinutukoy mo ang we, bilang indibidwal, maniniwala ako sa iyo. pero parang tinutukoy mo ang isang lahi. parang we, as filipinos. hindi naman makatarungan iyun, dahil may mga pilipinong nagnanais isulong ang isang magandang bansa, pero pinipigilan sila ng pamahalaan.

ipagpatawad ang galit ko. oo, galit ako sa artikulong ito, dahil kinakalat ito sa facebook na maaaring maka-move ng ibang tao. at bilang pilipino, hindi ako papayag na sisihin ang kultura ko. itong kulturang ito ang humubog sa akin bilang tao. sa kulturang ito ako pinalaki ng aking mga magulang, dito ako pinatalino ng mga guro ko mula pa elementarya. at hindi ako papayag na yurakan lang ang lahat ng iyon.

nakakalungkot pa na may ad si Gordon sa page mo.

(reaction ko lang sa nabasa ko sa facebook: http://antipinoy.com/tyrannical-filipino-culture/#comment-10153)

Saturday, April 17, 2010

An Akin Mana Iboboto (For President Edition)

unang bagay muna.

Ang boto ay hindi personal item that can not be shared like toothbrush or panty or panty liner or used panty liner. Not that i used any of these. hindi ito sinasarili lang. mahalagang pagsaluhan muna ang boto, bago pagdesisyunan.

No here’s my List. Hindi pa ito final, inuulit ko.

Sa presidente.

Una kong nakita ang Ad ni Villar. After that, Ibobot ko na siya. Very appealing sa emotions ng mahihirap. Hindi man niya sinabing na-exprerience niya, but I felt na nakaligo na siya sa dagat ng basura, na nakatulog na siya sa gitna kalsada. na namatayan siya ng brother due to kahirapan, though his brother according sa nabasa ko ay sa FEU na-confine (Which was the Makati Med of that time) at binurol sa La Funeraria Paz (the same place na pinaburulan ng Tita kong Mayaman na buhay pa hanggang Feb na lang this year. This serve as my pag-alala sa Tita aka Mama).

And I felt that to make people felt all those lies, napakamahal siguro ng binayad niya. At babawiin niya iun dahil sa businessman siya. Though siya ang bet ng business community, alam ko, bet din ng business community si GMA nung tumakbo siya against FPJ.

Then dumating ang Ad ni Noynoy. Hindi naman siya nagsabi ng anything about sa plano niya, pero malinaw. Tatanggalin niya ang Corruption. iyun lang. Hala, e naniniwala akong corruption ang ugat ng kasalanan sa Pilipinas. Ang best nun. So i considered him for about three months.

i didn't care kung may nagawa siya. ang mahalaga naman ay ang gagawin niya kapag presidente na siya. sabi ko, hindi naman mahalagang tingnan ang mga nagawa ng isang kandidato dahil hindi ko naman lahat alam ang mga iyun. Ang mahalaga ay ang potential niyang gagawin sa bansa at ang sabi niya, tatanggalin niya ang korapsyon.

i didnt care if he is a mongoloid, or caucasian, or bi-racial. nagkaroon na nga tayo ng babaeng presidente, anu naman kung magkaroon din ng abnoy. and please dont get me wrong na hindi dapat magkaroon ng babaeng presidente. i stand for equality and equality does not end sa pagitan lang ng babae at lalaki.)

Then the Villarrayo issue came out. of course the LP party let it out. just like the NP leaked out the issue of Noy-noy's medical case. and all their bashing are from each other. ginawa nilang PEP ang Facebook sa mga intriga nila sa isa't-isa.

Did you know na sa school ng mga manok, kapag naala ang rooster ay kukunin ng isang inahing manok ang kanyang posisyon to protect her family? ganun din si GMA. kapag nawala ang bet niiyang presidente kukuha siya ng isang oposisyon to protect her interest. Sina Noy-Noy at Villar at Erap na lamang ang naglalaban. Bongga ang galit ni Erap kay GMA. Vocal si Noynoy at Mar sa galit nila kay GMA kaya't sa palagay ko, si villar na ang oposisyong naging administrayon sa laban na ito.

Ito rin sa palagay ko ang dahilan kung bakit nag-aalisan sa admin ang mga tao nito. ang naguluhan lang ako nambonggang-bongga, ay kung bakit tinatanggap ni Noynoy ang mga tiga administrasyon na lumilipat sa kanila? Mali pala ang dinig kong “tatanggalin niya ang corruption!” mali pala ako. It was rather, “Tatanggapin niya ang corruption!” shucks, my ears.

That brings me to Erap. Sa tingin ko talaga, ang laban naman ay sa kanila lamang tatlo. kaya't kay Erap na ako. But i have more reasons than choosing the lesser evil. Sa tingin ko, hindi nga evil si Erap. siya ang aking Hero sa panahon na ito,

Alam naman nating lahat na ang mga politician ay may pinoprotektahang personal interest sa pagtakbo. At sa palagay ko, among the presidentiables, si Erap lang ang may personal na interest na gumanti, ipakulong, gawing punching bag si GMA.

More than that. kung isang teleserye ito, si Erap ang bida. inagawan siya ng posisyon. sinira ang pamilya at sa huli, pinatay ang pinakamamahal niyang Best Friend na si FPJ because she stole the presidency not once but twice.

Pero higit pa sa soap opera. bilang bata, mukhang maayos naman ang pamumuhay namin nung si Erap ang nakaupo. Hindi nagrereklamo ang nanay ko sa mahal ng bilihin. walang E-VAT. naging payapa ang Mindanao, at echapwera ang Amerika (na dahilan ng pagkatanggal ni Erap sa pwesto).

Anu ba ang accusations nila kay Erap, Jueteng na not even galing sa Tax ng mga tao? im not saying na mabuti ang Jueteng, pero desisyon naman iyun ng mga sugarol. I'm just saying na ang petty ng crimes na binintang kay Erap compared sa mga ginawa ni GMA. and the fact na nalantad ang mga babae niya at naging issue ito ng moralidad, may gumawa ng kwento na nakaka-aapeal sa mas nakararami. Hindi tao ang nagpaalis kay Erap kundi pinakilos ang mga tao para maalis siya. isa ako sa mga taong nagpaalis kay Erap those days at nagsisi ako that i was in EDSA then. So this serves as my personal Apology to Erap. Erap sorry ha.

Pero dahil sabi ni Erap na kung hindi lang siya ang iboboto, si Gibo na lang. so kino-consider ko na rin si Gibo. pero hindi ko gagawin ito dahil lang sinabi ni Erap. huwag sana nating isipin na ang dahilan lang ng isang tao sa ginagawa niya ay ang mga sinasabi niya. diba ba nga, may to kinds of goals. Niweis. Gibo is good looking, young at mukhang matalino talaga. narinig ko naman yung mga naunang debates at magaling sumagot siya, pramis. Tama! Simple but Concrete ang mga plano niya. at sa mga tumatakbo, siya nga lang ang walang bahid.

More than that again. binigyan niya ako ng extra rice sa panahong hininhintay ko na lamang ang aking susunod sweldo. naging part ako ng campaign niya sa mga dukha. so kumita rin ako dahil sa kanya. (Na siya ring dahilan kung bakit ko kinokonsider si Mar Roxas).

Mukhang maganda rin pala ang plano niya kay GMA. dahil sa panahon ngayon ng election, iniwan siya ni GMA, so may kaunting surprise twist at thickening ng plots din akong nararamdaman kay Gibo.

Some friends are saying na i-consider ko naman si Nick Perlas. i did. pero sa tingin ko talaga, hindi siya mananalo. well, mukhang hindi rin mananalo si Gibo, pero sa konsepto ng lesser evil, si Gibo ang lesser loser.

Sige, titingnan ko pa si Nicaror Perlas, hindi pa kasi siya nagpapakilala sa akin. Puro lang siya sitsit. Like Psst. So hindi ko siya masyado kinikilala. and please don’t judge me for this, na it is my resposibility na kilalanin lahat ng candidate, kasi ibabalik ko lang sa inyo ang tanong. How much do know about Jamby Madrigal?

Shet, Si Gordon pa pala. kasi im so turned off dun sa plano nilang bigyan ng Kindle ang lahat ng students. hindi naman nito masosolusyunan ang problema ng edukasyon. ibebenta lang nung mga mahihirap yung kindle na iyun. at yung iba, gagawing panggatong.

basta as of now, Erap vs Gibo muna ako.

Next time na lang ang vise at senators. Haba na e. Gym pa ako. Niweis, to yung mga pinagpipilian kong senators.

http://www.comelec.gov.ph/2010%20National_Local/list_candidates_senator.html

To end this, please huwag ninyo isiping tama lahat ng sinasabi though i hope you do. Hindi ako machine, my technical glitches make me an unprogramable human. Unlike the PCOS apparatus, its technical glitches make it a programmable one.

Tuesday, April 13, 2010

“Sige na common, boto na sa araw ng election!”

Ang poetic ng weather. Kapansin-pansin ang parallelism ng init ng panahon sa init ng election. Kuma-climax ang degree Celsius ng temperature kasabay ng mga set-ups ng mga magaganap sa May 10. Hindi pa rin naawala ang mga balita sa mga rotating browouts na ayaw ko namang isiping mind setting lang para prepared ang mga tao kung may maganap na brownout sa araw ng halalan. So, pagdating ng araw na iyun, sasabihin na lang ng mga tao, “Ay! Nag-brownout, siguro part lang ito ng rotating brownout. Hindi naman siguro ito bahagi ng dayaan sa election. Sino naman ang gagawa nun? My God, mababait kaya ang mga candidates.”


Though hindi naman daw mauuwi ang lahat ng ito sa failure of election. Kaya nga naghahanda ang palasyo sa pagkakaroon ng failure of election kasi, hindi naman magkakaroon ng failure of election. Though wala namang masamang maghanda para sa pagkakaroon ng failure of election, para hindi naman sila masabihang hindi kayo naging prepared sa failure of election. at ang sasabihin na lang nila, “hindi naman namin like na magkafailure of election. nagprepare lang kami in case na magkaroon. Pero hindi talaga namin gusto…hindi talaga…pramis.”


Tama naman. Ano ba naman ang ginawa nila para magkaroon ng failure of election. Wala naman di’ba. Walang tamang ginawa. Cheka. Hasty generalization! Pero sige na! masaya namang mag-generalize hastily.


Let me not rant on the lateness of everything. Because it’s very much late for that. That is so January. Let me not rant on the PCOS machine. Its technicalities, the jammers, the know hows to use it because that is so February. And let me not rant on the ballots that wont make it to the target date because that is so March.


So what is the freshest set up this April. I don’t know. The brownouts maybe? The Eenergy crisis maybe? Or the assassination maybe? Anng assassination you ask? Wala pa naman. It’s just a maybe. Lahat naman is possibility. Even the pagiging malinis nitong election is a possibility. But the thing is I think being watchful and observant and vigilant and all.


Pero hindi ko naman sinasabing mawalan na tayo ng pag-asa sa magaganap na election. na hindi na tayo mag-participate sa nasabing event. This is a actually a call to vote. Alam naman nating sa Pilipinas, the best is always yet to come, and the worst as well, kaya participate. First because it is our right. Second is for have the right to rant. Thirdly, this a new experience for everyone, electronic dayaan.


Isang buwan na lang, iyun na! so common, take part in the upcoming election. Dahil yung mga hindi boboto, walang karapatang magreklamo. Hindi naman ang mga binoto nating kandidato ang madadaya sa huli, kundi tayong mga bumoto. Inihanda na nila tayo sa gagawin nilang pandaraya. Hindi sila nagpapapigil. Kaya sige na. ibigay na natin sa kanila. Magpadaya tayo, magpaloko, magpaapi. Dahil tulad nga ng shoutout ko sa facebook. “Ang mga naapi lang ang maaaring maghiganti.”

Tuesday, April 6, 2010

Ang 26K kong muntik nang mawala (Danvil High Presure Tactic)

Buti na lang at matalino ako... at wala akong ganung kalakin halaga.

Alam naman ng mga kaibigan ko na ang pasok ko ay 5:30 am hanggang 8:30 am lang at madalas, pag-aari ko na ang oras na naiiwan sa buong araw. usually, tumatambay pa ako sa opis kasama ng mga friends habang hinihintay si misis umuwi, pero nitong araw na ito, ginusto ko munang pumunta sa SM North para bumili ng battery ng cellphone ko na fyi to my friends last week pa hindi gumagana. so iyun lang naman ang objective ko in life that day. pero paglabas ko ng building. Aba, parang nakatutok sa akin ang butas ng ozone layer. kaya gusto ko ng payong.

so nag taxi na ako. mainit sa taxi which made me want a payong some more. nagpababa ako sa cyberzone kung saan ko nabili ang dating baterya ng cellphone ko. at papunta sa wellcom, may isang ate na tumapat sa akin. si Grace.

Grace: ano credit card mo? Visa o Mastercard.

Abet: (malaki ang mata, tingin sa side, awkdward sa isang babaeng mataas ang energy) mastercard

Grace: Talaga? Nanalo ka ng payong... patingin lang card mo at paki-fill-apan itong form... kung saan pwede kang manalo ng kotse... at magkapaglaro ng game kung saan ka pwede manalo ng P888,888.88

Abet: Shet nanalo ako nampayong!

habang sinasagutan ko ang rapol entry, tinitingnan ko ang booth nila at hinahanap ko ang payong? malaki ba ito, napopold.. shet gusto ko yung malaki yung pwedeng tungkod.

Habang kung anu-ano ang iniisip ko habang hinahanap ang payong na ibibigay sa akin, salita lang nang salita si Grace.

Grace: Hindi po kayo ifo-force bumili ng product... gusto lang namin makilala ninyo ang company... wala po kaming commercial sa TV at walang endorser na artista... pag nanalo kayo, kayo ang mgagiging endorser namin...

Abet: (Sa sarili) nasaan na ang payong?

Grace: Halika po, sasamahan ko po kayo sa main office namin, sa fourth floor...

Abet: Payong... payong... payong

Grace: Sasamahan ko po kayo mag-drop ng entry... at dun po ninyo malalaro yung P888,888.88 game basta pag nanalo po kayo.. balato ko... kakausapinpo kayo ng rep namin at papaliwanag sa inyo ang company for 45 minutes lang po...

Abet: Okay! Payong. Payong. Payong!

Inakay ako ni Grace papalabas ng Cyberzone papasok sa Dept Store ng SM. Duna ko naghinala na ubusan ng oras ito sa pagsink sa akin na shet, naiba na ang ruta ko, bibili lang ako ng baterya. bakit ako papasok sa SM.

Pero pumasok ako sa Dept Store at nakita ko ang mga manikin. may isang may dalang malaking Payong. Shet! gusto ko ng payong.

Patuloy pa rin ang pagsasalita ni Grace habang naglalaro na naman sa isip ko ang itsura ng payong na makukuha ko.

Hanggang sa makarating kami sa opisina nila. pinaupo ako at sinabing may libre akong coffee or ice tea. patuloy pa rin sa pagsasalita si Grace. in fairness kay Grace. hindi mukhang masama ang ugali niya. mabait naman siya at accomodating. at bibigyan pa niya ako ng payong.

PInaregister niya ako sa may reception area. yung babae parang robot.

Babaeng Robot: Sino po nagsama sa inyo

Abet: Si Grace

Babaeng Robot: Sinabi ba niya na 45 minutes it o at hindi pwedeng lumabas hanggat hindi tapos

Abet: (Nanlaki ang mata at napatingin sa side sa awkward question dahil wala namang ganun. pero pagtingin sa side. may payong. malaki. BLUE! tulad ng iniimagine ko) Opo!

Babaeng Robot: Ano gusto mong give away, Wall Clock, Bag, Payong...

Abet: PAYONG!

Babaeng Robot: Okay

muli akong kinuha ni Grace at inupo. kung anu-ano na naman ang sinabi niya. ako, gusto ko nang mahawakan ang Payong na Blue.

Grace: hintay lang albert ha, nandyan na si ... siya ang mag-o-orient sa iyo...

Dahil nagka-dead air na naman sa sarili ko, kahit tuluy-tuloy lang magsalita si Grace. naisip ko na naman ang pinapasukan ko... shet... lokohan ito... ito ba yung nagbebenta ng mga sabon? pera pera ito... magbebenta ba sila ng lupa/property? kukuhaan nila ako ng pera... shet, paano ako lalabas dito.

Abet: Ano nga pala itong company ninyo?

Grace: A, Danvil Plans, ito yung dating Berkley na pag-aari ng Amerikano pero binili na ng PIlipino...

Abet: Ah, insurance plan... ano nangyari dun sa mga dating plan holder ng Berkley?

Grace: Syempre inabsorb na namin... Syempre, pababayaan ba namin sila? PIlipino pa ba ang magpapabaya sa kapwa Pilipino.

Abet: (Ay si Grace sumo-social relevance... tingnan natin later)


Grace: Ano nga pala ang gusto mong gift? Bago yung mga bags diyan...


Abet: PAYONG!


Doon dumating ang babaeng matangkad. Hindi naman pangit. Naka-braces. Straight ang buhok. Hindi ko pa nakuha ang pangalan niya.


At ditto na nag-start ang lahat... wow, ngayon pa lang nagsimula.


In-assist ako ni new girl papasok sa isang kwartong maraming bilog na table for three. At may tig-tatatlong upuan. May mga pitong lamesa ang occupied. Pares-pares. Isang naka-korporakada/korporado at isang jam-jam lang ang suot. Pinaupo ako. upo naman ako. binigyan ako ng form at pinapilapan.


Form another. Fill up n aman ako... mga pertinent info hanggang sa huli, may question regarding dreams. Whats your dream, for yourself, for you family, for your children. Ito yung part na hindi ko sinagutan. Bisibisihan si girl text text hanggang sa i-excuse me ko na siya. at iyun. Umupo na siya sa table namin at binasa ang mga pinagsusulat ko...


Girl: Hi Alvert... Im Crissy... (Kung anu-ano pa) So You’re a Sagittarian, Alvert... Ako rin, Dec. 1..... Alvert pareho pala tayo, Alvert... (at kung anu ano pang words attempting leading to bonding)


Pero dahil sa tinawag niya akong Alvert.. hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi niya. I didnt actually catch her name.


Inulit niya ang lahat ng nakasulat sa papel... anong pangalan ko, saan nakatira ang mga kaapaelyido ng nanay ko, ang mga kaapelyido ng tatay ko, at sinabi niyang kaya ako maputi ay dahil tiga pampanga ang mga nanay ko... ay hindi, tiga marikina ako... first sign na hindi siya nakikinig pa...


Nababagot na ako nung inuulit niya lahat ng nakasulat sa form... shet, akasya ito ng oras... payong..payong.. hindi aksaya ito ng oras... payong... tapos nakita ko siyang nakangiti, labas ang braces niya... shet... nakakatawa ang itusra niya. Since hindi pa naman ako nakakaranas ng ganito, pinatulan ko na lang. Game!


Binaligtad niya ang form. Nakit aniyang walang nakasulat sa credit limit ng credit card ko.


Girl: Alam mo Alvert, tamang hindi mo nilagay kung magkano ang credit limit mo Alvert... hindi naman iyun mahalaga Alvert...


Abet: Ay hindi ko talaga alam... I dont really care... kasi niyaya lang ako ng freind ko na kumuha ng credit card...


Girl: Teka, Alvert... natatandaan mo pa ba kung sino yung nagrefer sa iyo dito ha, Alvert?


Abet: Si Grace


Girl: E Ako, Kilala mo pa ba...


Co-employee 1: Uy Crissy, nakausap mo ba si...


Abet: Tingin sa side... Kris?


Inilabas ni Crissy ang kanyang folder na ang first page ay full name niya na sa sobrang bilis ay Cristy lang ang nabasa ko.


I’m Cristy something something... i graduated form Something Santo Thomas...


Since nahiya ako dahil hindi ko nagets agad ang name niya, nawala na naman ako sa focus. Hanggang sa marinig ko na lang na pinag-uusapan na namin ang blank lines sa tanong tungkol sa dreams ko...


Crissy: (Lagyan na nating iya ng name, ngayong pinakita n iya ang papel niya) wala ka bang dreams lahat may dreams.


Abet: Wala...


Crissy: mahalaga kasi ang dreams...


Abet: Wala...


Crissy: Ang dreams mo kasi sa parents mo... (tingin sa kabilang side ng papel) sa wife mo... may wife ka na? At anak... diba dapat may pangarap ka for them?


Abet: Naku, ayoko ng mag-isip for this.


Crissy: Hindi mo kailangang mag-isip, take it from you heart. (Remember may braces siya... so imagine how she speaks...)


(Shet: Theater Workshop: Emotional Journey: kailangan maging teary eyed) So since sinabi ko na naman na game.. kinuha ko ang papel at sinulat, happiness.


Crissy: Alam mo ba Alvert, Happiness ay isa sa pinakamadaling salitang isulat pero pinakamahirap makamtan. I will ask you Alvert? What makes you Happy? (Dito nagsimulang magging puppy eyed siya at nagsmile.. braces)


Abet: (Hala, bakit may ganitong tanong... ang vague at sa itsura niya... braces!) contentment.


Crissy: What really makes you Happy? Ilang taon na kayong kasal?


Abet: Wala pa?


Crissy: Kahit yung pagsasama ninyo, gaano na kayo katagal magkasama?


Abet: Two years...


Crissy: Okay lang iyun. At least sa iyo naka-apelyido ang anak mo...


Abet: KAsal na kami.. wala pang one year...


Crissy: How old is your baby alvert?


Abet: 5...


Crissy: ang aga mo naman palang nagkaanak.. ilang taon ka na ba?


Abet: 25?


Crissy: ay marami talagang ganyan, mga 20 pa lang, nagkakaanak na...


Abet: 5 months...


Crissy: A, so Alvert. Kinasal lang kayo dahil sa pangangailangan. (Sinabi niya ito na parang na-judge na niya ako) Alvert, Life is like that. May mga bagay na nangyayari sa atin na hindi pinaplano, parang mga aksidente


Abet: Ay hindi, that was planned.


Crissy: I Like you Alvert. Always smilng, like you have no problems... Adventurous, always happy, (mga bagay ng tungkol sa sagittarian) But you know what alvert. I know people around you thinks that you are happy. Your parents thinks you are happy, your wife, your baby thinks you are happy.. but I know alvert. You are not happy. You have problems that you co not share with your parent.


Abet (Shet na-judge na talaga niya ako. Emotional Journey 2: bawal tumawa: Teary Eyed)


Crissy: So what makes you happy Alvert?


Abet: Contentment?


Crissy: Alvert, What makes you Happy?


Dito ko na-realize na hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko naibibigay gusto niyang sagot...


Crissy: What do you want your family to have, Alvert? Are you still providing for your family, Alvert? (Paalala, next level ang pagsunod niya sa mga rising falling intonation)


Abet: Oo...


Crissy: What do you want your family to have?


Abet (Kung anu-ano ang sinabi)


Crissy: Yes Alvert. That all means you want the ”Best” for your family...


Naglabas na siya ng mga bond papers sinulatan ito ng “Best” May kakaiba pala silang way ng pagsusulat. Pabaligtad so that mababasa nung kaharap nila ang sinusulat nila. Such talent I must say. Opo, nadistract na naman ako.


Crissy: (Napansing nakatingin ako sa Best) Why do you want the best for your family?


Abet: Because that’s how it should be?


Crissy: Why do you want the Best for your Family Alvert?


Abet: (Hala, hindi ko alam ang sasagot ko...) Because i do not settle for less. (Hindi akshali alam kung saan galling yun)


Crissy: That’s right Abet you shouldn’t settle for less. So, What makes you Happy Alvert. (mas mataas na ang boses at nanlalaki na ang mga mata pero nakalabas pa rin ang braces sa pagkakasmile)


Abet: (Pangatlo na ito... anong gagawin ko... pakiramdam ko, hindi na matago ng smile ko ang awkward na moment) Payong?


-------------------------



Sorry, ang haba... ate lampas 45 minutes ang uspan.. pero masaya naman... pahinga muna...


Okay go...


Marami pa siyang kung anu-anong tinanong. Kung paano ako nagse-save? Kung anu-ano ang mga bangko ko. Sempre sinabi ko lang, BPI, kasi yun yung credit card ko. And the conversation continued.


Hanggang sa map[unta nga ang topic sa “Saving.” pinakitaan pa niya ako ng graphics ng Spending over Saving and Saving over spending. And asked me what the difference is. I said none.


Crissy: Tama ka Alvert, Wala... pero actually mayroon. Alam mo ba Alvert kung ano ang dalawang klase ng tao?


Abet: (Shet! Dalawang klase. That’s everything opposing. Mayaman-Mahirap, Manloloko-nagpapaloko, malaki-maliit, Filipino-Foreigner... shet hindi ko alam.. e may tamang sagot sa kanya.. anong isasagot ko) Maganda at Pangit?


Crissy: Ang dalawang tao Alvert ay ang mayaman at mahirap...


Abet: (Shet, Naisip ko iyun e)


Crissy: At ang kaibahan nila, Yung mayaman, inuuna ang saving bago ang spending...So Alvert, inilagay mo dito na 10K to 18 K ang sweldo mo monthly... magkano ang kaya mong i-save monthly?


Abet: Mga ten thousand...


Crissy: Magkano ang kaya mong i-save?


Abet: (Shet mali na naman ang sagot ko)


Crissy: (Mataas ang boses, nanlalaki ang mata at nakangiti’t nakalabas ang braces) Magkano ang kaya mong i-save.


Abet: Between 5 to 10 thousand?


Crissy: alam mo Alvert. Mapaglaro talaga ang tadhana... i am not suppose to be the one to talk to you... alam mo ba alvert, my boyfriend and me broke up just yestherday. Hindi dapat ako papasok but then pumasok ako. My manager told me not to, but I did to. so ito nakausap pa kita. And you know what alvert. I like you. Kasi para sa mga tiga UP you’re humble. Yung mga tiga-UP mayayabang...


Abet: Mayabang ako...


Crissy: Then Tiga UP ka nga... Hindi ka kasi mayabang...


Abet: Mayabang ako.


Crissy: And you know what Alvert... sobrang mapaglaro ang tadhana, dahil ikaw ang ibinigay na maging client ko today... Do you have a nickname...? kasi nahihirapan akong i-pronounce ang name mo?


Naging teary eyed na siya... bumulong ako.


Abet: Abet


Crissy: Magkapangalan kasi Kayo ng Boyfriend ko...


Abet: Alvert?


Crissy: Pero hindi lang siya Alvert.. Michael Alvert... so May nickname ka ba?


Abet: Abet...


Crissy: Ikaw, may nickname ka pala... so Beh, How much are you comfortable to save? Is this comfortable with you?


Sinulat niya sa bond paper ang 2,300.


Abet: Okay naman...


Crissy: Pero prior to that, you will have to give an opening amount...


Sinulat niya sa papel ang 26K plus.


Abet: Okay lang naman...


Crissy: Are youcomfortable with this two amounts as your savings?


Abet: Okay. So if ever, kukunin ko siya, magkano ang magiging ending niyan?


Crissy: Well, you will be saving 2,300.00 for five years then you will wait for another ten years then you will received P250,000.00.


Abet: How much yung lump sum nung lahat ng ise-save ko for five years?


Crissy: Almost half yun nung makukuha mo. Ah talga


Abet (Computing in his mind) so that is 2,000.00 times twelve... times 5


Crissy: (Naglabas na naman ng folder) so para hindi ka na mahirapang mag-compute...


May pinakita si Crissy na maliliit na sulat. Hindi ko mabasa. Tapos sinara niya ang folder.


Crissy: Pero ditto Be, friends tayo.. huwag mong isiping ahente ako.. hindi ako nagbebenta ng insurance. I am just explaining to you our company.


Crissy: Diba you work at ABS CBN? Alam mo bang nagging client ko si Nini Matilac...


Abet: (Sino nga ulit si Nini, kilala ko siya) Ah yung Tibo?


Crissy: Diyan ko siya kinausap diyan sa table na iyan... (turo sa table na katabi n amin).. so Be, how much is your credit limit?


Abet: Hindi ko alam e...


Crissy: Bakit hindi mo alam?


Abet: KAsi kinuha ko lang iyan kasi kailangan namin ng friend ko ng credit card that time. So pirma lang ako ng pirma kaya iyun. Nagkacredit card ako...


Crissy: Hindi mo ba tinitingnan sa bills mo?


Abet: Ay hindi ko ino-open ang bills ko kasi I pay before the deadline.. and I check it via internet...


Crissy: Okay. O sige. Be, Patingin nga ng Credit Card mo?


Abet: (inilabas ang credit card. Confident) Ito.


Crissy: (TInawag ang manager. At kinausap) HI Ma'am, this is Mr Albert Cruz, he work at ABS...


Manager: Ow, Kilala mo si Nini Matilac?


Abet: Opo, yung tibo?


Hawak pa rin nila ang credit card ko. binigyan ako ni Crissy ng isa pang papel na pipilapan...


Crissy: Ilagay mo na lang diyan kung sino yung mga beneficiaries mo... Ilalagay mo ba ako?


Abet: Ano ang difference nitong dalawa...

Crissy: Yung I, yung mga p[ermanent na, yung R, yung mga pwede mong palitan. So ilalagay mo ba ako?

Abet: (SMile nang maliaki) Hindi...


Crissy: (Smile din) Tera Abet. Hawakan mo na lang itong Credit Card mo tapos ikaw na ang mag-abot..


Dinala ako ni Crissy sa corner kung saan may booth na parang teller ng bangko. May lalaki sa loob at may kamera sa taas. Shet. Kukunin na nila ang 24 K ko...iniabot ko ang credit card ko at tumingin sa kamera at ngumiti.


Crissy: I Like You Alvert... hindi ka katulad ng ibang clients na ang hirap kausap. Ikaw mabilis ang pick up mo...


Abet: Thank you.


Binalik ng lalaki ang credit card...


Lalaki: Ayaw pumasok...

Lumapit si Manager... kinuha ang card...


Manager: Tatawagan lang namin yung BPI okay.


Binalik ako ni Crissy sa table namin. May dala na siyang mic.


Crissy: Ipakikilala kita sa lahat ha....


Abet: Naku huwag n a nakakahiya naman (Best akting ako sa part na ito)


Crissy: Be, ito na lang ang thank you ko sa iyo.


Tinalikuran ako ni Crissy at nagsalita...


Crissy: Hello, let’s welcome Mr. Albert as our new member...


Nagpalakpakan ang mga tao. At ako naman parang nanalo ng award kung makangiti. Lumapit sa akin lahat ng ahente at kinamayan ako... okay naman ako... masaya dahil sa desisyon ko.


Lumapit si Manager sa amin.


Manager: e 900 na lang pala ang laman nito eh, tapos may 3K na SIP... magkano ba credit limit nito?


Abet: (Nakangiti after the elating kamayan) Ay hindi ko po alam...


Kinausap ni Manager si Crissy habang nakatingin sa akin ang ibang mga empleyado na nagtataka.


Lumapit ulit sa akin si Crissy.


Crissy: So mayroon kang three nine sa credit card... magkano ba ang laman ng ATM mo?


Abet: Ay syempre, walang laman ang ATM Ko, sa sweldo pa... pagkapasok kasi ng sweldo syempre, aalisin mo na doon diba?


Crissy: DApat pala Be, sa sweldo ka na lang napadaan ditto...E may Cash ka ba diyan?


Abet: Siyempre, pambili ko ng battery...


Crissy: Magkano yun: 1,000,00.


Crissy: Ayan may 4,900 ka na... teka, baka pwede naman tayo sa student plan.. you can open with 6,900 and have a monthly of 1,400.00. pero you would have to pay that in 7 years... pero we can upgrade it...


Abet: Ay sayang naman, 4,900.00 ang pera ko... what if bumalik na lang ako...


Crissy: One time offer lang kasi ito...


Abet: Ay, sayang naman...


Crissy: Then, Friends na lang tayo...


Abet: Okay... so saan ko makukuha yung Payong....


Crissy: Ay mamaya na iyon, play ka muna dun sa 888,888.88 game...


Abet: Gusto ko na lang yung payong...


Crissy: sige na, basta yung balato ko ha... so i played the slot machine with 8 numbers na kailangang ma match which is the 888,888.88 peso game. Natalo ako syempre.


Paglabas namin, dinala ako ni Crissy sa Babaeng Robot.


Babaeng Robot: (Smiling, nagkaemosyon) Thank you sir, here is your reward.


At nakuha ko ang gusto ko after isang oras... Payong! Blue!

(Repost from my Multiply and Facebook Account)

Friday, April 2, 2010

RH Bill Behind Enemy Line

Grade four o five yata ako nung magkaroon kami ng sariling bahay. Pinalayas kasi kami sa inuupahan namin, kaya walang nagawa ang mga magulang kundi bumili ng lupa at magpatayo ng sariling bahay. Tagung-tago ang lugar namin. Maging hanggang ngayon nga ay hirap pa ring makasakay ng taxi ang mga bisita kong taga Cubao at Munoz. Pero mas liblib ang lugar namin noon to the point na naging setting ito ng isang kwento sa Marikina Files/Massacre Files.

Malapit sa ilog ang bagong bahay namin. Mga 150 meters siguro mula sa gitna ng ilog. Sa ganito kalaking pagitan ay ang palaruan. Isang di kalawakang maisan na matapos anihin ay nagiging putikan, kung saan kami nagbabatuhan ng putik at mud wrestling at times. Matapos ang maisan, mga puno naman ng mangga, caimito, sampalok at kung anu-ano pang puno but mostly mangga. Mga dalawampu siguro kaming mga bata noon na magkakasinggulang na na umaakyat at naghahabulan sa taas ng punong mangga. Matapos ang manggahan, ay maraming bakanteng lupa. Dito kami naglalaro ng teks, taguan, agawang base, chinese garter na may kasamang tumbling, patintero and games na pwedeng i-google under Philippine Games.

Papa-graduate na ako ng elementary ng may nadagdag pang mga bahay. Mas masaya. Para sa aming mga lalaki, naging lungga naming ito sa paglalaro naming ng barilan ang mga ginagawang bahay. Ang baril naming ay kahoy na may trigger na may goma na binabalahan hilaw na bunga ng aratiles. Parang inihahanda na kami sa buhay ng isang kriminal. Ang mga babae naman, bahay-bahayan ang laro. May mga manyika sila. Barbie. Inihahanda sila sa pagiging single mother someday.

Highschool, naging busy na ako sa pag-aaral. Or pwede ring sabihing nagkaroon ako ng bagong set of friends. Hindi ko na masyadong napansin ang mga kababata ko. Hindi ko na rin napansin ang aming palaruan. Ang malawak na maisan ay nawala na. Ang mga puno ng mangga ay nangaunti na. Napalitan na ng mga bahay. At ang dating mga bahay-bahay ay naging mas malaking bahay-bahayan na at doon na nakatira ang mga dati kong kababata. May mga anak na sila. At least equipped ang mga girls when their someday came.

Mula highschool hanggang college, humigit sa doble ang inilaki ng populasyon sa amin. Nawala na ang mga bakanteng loteng naming pinagtataguan. Naputol ang mga puno at may mga bahay na tumubo. Probinsya lang ang itsura ng lugar naming noon, pero biglang nag-iba sa mabilis na panahon.

Dumating ang bagyong Ondoy. Mas marami ang populasyon, mas marami ang napahamak. Biruin mo, kung kaunti ang populasyon noon, e di kaunti lang din ang mapapahamak. Pero kung nandoon pa ang mga puno ng mangga, kung kaunti lang ang mga nagtatapon sa ilog ng basura, malamang, hindi ganoon kalaki ang epekto ng Ondoy. Sa ngayon, nabawasan ng thirty percent ang population sa amin. Nasira kasi ang mga bahay-bahayan. Totally, dinemolish na sila at binigyan ng matitirhan sa Laguna.

So, does this mean bagyo ang solusyon sa pagliit ng population? Siguro may iba pa, like war, genocide, earthquake, end of the world and the likes. And maybe RH Bill. Or maybe not.

Sana ay hindi ipagkamaling sinulat ko ito para sabihin ang pananaw ko kung tama ba o hindi ang RH Bill. Pero ihahayag ko na rin ang opinion ko. Ayoko sa RH Bill. Hindi ito ang tunay na solusyon sa pagpapabagal ng populasyon growth at pag-alis ng povery sa Pilipinas. But I’m not taking the church’s side either.

Tama naman ang means at ends ng bill. Hindi ako tutol sa objective at sa pamamaraan para maabot ito. Ngunit sa palagay ko, kayang-kaya na ito ng mga NGOs. An endorsement from the government is good enough support, but funding from the government. Na-ah! Magiging source another ito ng corruption.

Napansin ko lang na ang goal ng bill ay mostly to educate the people. Anubanaman iyun isama lang ito bilang bahagi ng Values Education? Kailangan pa bang isabatas iyun? Kailangan pa bang pondohan iyun? Hindi ba’t kailangan naman talagang palitan ang mga aklat every so often para ma-update naman ang mga bata sa rotation ng Earth?

Huwag din sanang sasabihin na hindi lahat ay may access sa books at education, dahil kung iyan ang problema, dapat yan ang solusyunan. In the first place, dapat nag-aaral ‘yang mga ‘yang nagpaparami ng lahi. And in that case, the necessary bill should focus not on educating people about reproductive health but on educating the people, period. Or comma.

Nasasaktan ako lalu pa ngayo’t hinihintay ko ang next sweldo to make both ends meet. At inilalako ko ang dangal ko for extra rice. Tapos ang tax na iaawas sa akin for living in this para namang uber gandang country ay mapupunta sa pamumudmod ng condom sa mga maralitang tiga-city? Well, uber ganda naman ng Pilipinas, pero ang facilities, questionable.

But enough of that. Hindi nga ang pagtutol ko sa bill ang mahalaga dito kundi ang pagtutol ng simbahan. Para sa akin, kapansin-pansin ang pagtutol ng simbahan to the point na sinisira na nito ang kanyang sarili.

Ang best ng ABS CBN for airing “A Dangerous Life” at kung may natutunan ako ditto, dalawa pa lamang. Una, si Cory ay hindi mabuti but the lesser evil. Tama naman si Marcos sa mga opinion niya sa isang housewife, na hindi ipamimigay ang mga lupain ng kanyang angkan. Ikalawa, na malaki ang bahagi ng simbahan sa pagmomobilisa ng isang rebolusyon.

Nasa apat na taon lang siguro ako nung naganap ang isa sa pinakabonggang rebolusyon sa planetang ito. Nagalit ang mga tao dahil sa resulta ng election noong 1986. May mga ganitong usok ng dayaan ring nangangamoy ngayong 2010 election. Hindi ko lang nga alam kung alin ang mas mainiti, kung yung noon o ngayon, not to mention na may EL Nino ngayon. Shet, na-mention.

Ang best ng eksena ni Imelda habang naglulumuhod siya kay Cardinal Sin, “saying you don’t want to…” more than three times, para hindi maglabas ang pari ng statement against President Marcos. Naglabas ng statement si Cardinal Sin. Sinuportahan rin niya si Cory. Tinawag nila ang middle class at nagkaroon ng mapayapang rebolusyon sa EDSA. Akshali, hindi pa tapos ang three part series. Inassume ko lang, pero ayon sa history, nagkaroon naman talaga ng mapayapang rebolusyon with mga madre in the foreground.

Hindi man obvious but I read. Not a lot, but a book, a newspaper, a magazine or a crawl sa DZMM teleradyo to update myself. Nabasa kong, kung may kabalbalang mangyari ngayon election, may mga influential people na magtatawag ng kilos protesta. Kakailanganin niyang muli ang pagsasama-sama ng mga middle class, na karamihan ay believing catholic. I’m not saying practicing, na nasa church every Sunday, pero kahit papaano, may amor sa prayle. ‘Yung mga nakakapag-first communion pa sa public school pagtapak ng grades four or five.

This middle class is very much opinionated. Seemingly nonchalant, maybe reluctant, but opinionated. And I believe that their opinion is being challenged by the church. Pinag-aaway ng RH Bill ang middle class at ang simbahan. And by now, I think you have some ideas on where I’m going to. Off to bed because it’s 2:10 am in my clock. Call me paranoid, but I’d prefer if you’d simply call me, period. Or comma.

Though at the moment, may third lesson pa pala ako from the movie. Everything is planned, not by the almighty, but by those who want to be one. At ang mga those who want to be one na ito ay magagaling. Nandiyan lang sila, mapa-partido, o sector, o kung anumang grupo. At may digmaan sila among themselves na hindi natin nakikita. Ang mga nararamdaman natin sa mga ginagawa nila ay ang mga bagay na nais nilang maramdaman natin dahil iyun ang mas kapaki-pakinabang sa mithiin nila. Iyun ang nakakatakot, dahil sa dulo, mga sunud-sunuran pa rin naman ang mga mamamayan. Nakikisakay lang sa mga bagay na akala ay tama, o sarili nilang desisyon, pero ang totoo, everything was narrowed down for them to see that this is the only option.

Doon sa mas batang level ng kabataan ko, marami akong ganitong napalampas na bagay. Dala na siguro ng barkadismo, ng pagsunod sa uso, at nang pag-iisip tulad ng sinasabi ng mga nasa balita, o nang mga may conviction magsalita, which I learned by the way. Dahil dito, hindi ko napansin na nahubog na ang lugar na kinalakihan ko sa isang lugar na hindi ko naman gusto. Ang bahay-bahayan nami’y naging bahay na talaga ng aking mga kapitbahay. Saan na lang magbabahay-bahayan ang anak ko?

Ayoko na ulit magulat. Paranoia nga ang pag-iisip ng mga bagay na maaaring nagaganap sa likod ng mga piling bagay na ipinapaalam sa atin ng media. Pero anu namang masama? Kahit nga ang masama, subjective, pagkaparanoid pa kaya?

Sunday, March 21, 2010

Kwentong Kalsada


okay lang naman sa akin mag-taxi balikan, papasok at papauwi galing sa opisina, kaya lang mas mahal pa ang aabutin ng pamasahe ko kumpara sa arawang sweldo ng minimum wage earner ng bansa.

at masyadong mabilis rin ang taxi para ma-enjoy ko ang spectacles ng kalsadang ino-offer ng MMDA. at gustung-gusto ko naman talaga ang mga surprises na hindi mo aasahang makita mula sa ahensyang ito ng pamahalaan. parang kailangang laging lampasan ng bagong nakaupo ang kanilang predecessor.

BF started this with
BAWAL TUMAWID, NAKAMAMATAY.

kulay pink pa ito noon.


at ang tumakbo si BF bilang vice president, pinalitan siya ni MMDA Chairman
Oscar Inocente, at tadah
BAWAL TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO.

at naisip ko na nga. ano ang isusunod dito nang bagong mauupong MMDA Chairman, sakaling tumakbo muli sa public office ang chairman nito:

BAWAL TUMAWID, MAY MULTO
awoooo!


ang larawang ito ay kuha sa Commonwealth Avenue, sa may Tandang Sora, malapit sa Index Salon. ngunit mababasa ito sa buong kahabaan ng nasabing kalsada. napapabalitang kumakalat na rin ito sa C5.
kaya't hindi na ako magtataka kung magiging Haunted Roads na ang maraming kalsada sa Maynila!

Awooo.