Tuesday, April 6, 2010

Ang 26K kong muntik nang mawala (Danvil High Presure Tactic)

Buti na lang at matalino ako... at wala akong ganung kalakin halaga.

Alam naman ng mga kaibigan ko na ang pasok ko ay 5:30 am hanggang 8:30 am lang at madalas, pag-aari ko na ang oras na naiiwan sa buong araw. usually, tumatambay pa ako sa opis kasama ng mga friends habang hinihintay si misis umuwi, pero nitong araw na ito, ginusto ko munang pumunta sa SM North para bumili ng battery ng cellphone ko na fyi to my friends last week pa hindi gumagana. so iyun lang naman ang objective ko in life that day. pero paglabas ko ng building. Aba, parang nakatutok sa akin ang butas ng ozone layer. kaya gusto ko ng payong.

so nag taxi na ako. mainit sa taxi which made me want a payong some more. nagpababa ako sa cyberzone kung saan ko nabili ang dating baterya ng cellphone ko. at papunta sa wellcom, may isang ate na tumapat sa akin. si Grace.

Grace: ano credit card mo? Visa o Mastercard.

Abet: (malaki ang mata, tingin sa side, awkdward sa isang babaeng mataas ang energy) mastercard

Grace: Talaga? Nanalo ka ng payong... patingin lang card mo at paki-fill-apan itong form... kung saan pwede kang manalo ng kotse... at magkapaglaro ng game kung saan ka pwede manalo ng P888,888.88

Abet: Shet nanalo ako nampayong!

habang sinasagutan ko ang rapol entry, tinitingnan ko ang booth nila at hinahanap ko ang payong? malaki ba ito, napopold.. shet gusto ko yung malaki yung pwedeng tungkod.

Habang kung anu-ano ang iniisip ko habang hinahanap ang payong na ibibigay sa akin, salita lang nang salita si Grace.

Grace: Hindi po kayo ifo-force bumili ng product... gusto lang namin makilala ninyo ang company... wala po kaming commercial sa TV at walang endorser na artista... pag nanalo kayo, kayo ang mgagiging endorser namin...

Abet: (Sa sarili) nasaan na ang payong?

Grace: Halika po, sasamahan ko po kayo sa main office namin, sa fourth floor...

Abet: Payong... payong... payong

Grace: Sasamahan ko po kayo mag-drop ng entry... at dun po ninyo malalaro yung P888,888.88 game basta pag nanalo po kayo.. balato ko... kakausapinpo kayo ng rep namin at papaliwanag sa inyo ang company for 45 minutes lang po...

Abet: Okay! Payong. Payong. Payong!

Inakay ako ni Grace papalabas ng Cyberzone papasok sa Dept Store ng SM. Duna ko naghinala na ubusan ng oras ito sa pagsink sa akin na shet, naiba na ang ruta ko, bibili lang ako ng baterya. bakit ako papasok sa SM.

Pero pumasok ako sa Dept Store at nakita ko ang mga manikin. may isang may dalang malaking Payong. Shet! gusto ko ng payong.

Patuloy pa rin ang pagsasalita ni Grace habang naglalaro na naman sa isip ko ang itsura ng payong na makukuha ko.

Hanggang sa makarating kami sa opisina nila. pinaupo ako at sinabing may libre akong coffee or ice tea. patuloy pa rin sa pagsasalita si Grace. in fairness kay Grace. hindi mukhang masama ang ugali niya. mabait naman siya at accomodating. at bibigyan pa niya ako ng payong.

PInaregister niya ako sa may reception area. yung babae parang robot.

Babaeng Robot: Sino po nagsama sa inyo

Abet: Si Grace

Babaeng Robot: Sinabi ba niya na 45 minutes it o at hindi pwedeng lumabas hanggat hindi tapos

Abet: (Nanlaki ang mata at napatingin sa side sa awkward question dahil wala namang ganun. pero pagtingin sa side. may payong. malaki. BLUE! tulad ng iniimagine ko) Opo!

Babaeng Robot: Ano gusto mong give away, Wall Clock, Bag, Payong...

Abet: PAYONG!

Babaeng Robot: Okay

muli akong kinuha ni Grace at inupo. kung anu-ano na naman ang sinabi niya. ako, gusto ko nang mahawakan ang Payong na Blue.

Grace: hintay lang albert ha, nandyan na si ... siya ang mag-o-orient sa iyo...

Dahil nagka-dead air na naman sa sarili ko, kahit tuluy-tuloy lang magsalita si Grace. naisip ko na naman ang pinapasukan ko... shet... lokohan ito... ito ba yung nagbebenta ng mga sabon? pera pera ito... magbebenta ba sila ng lupa/property? kukuhaan nila ako ng pera... shet, paano ako lalabas dito.

Abet: Ano nga pala itong company ninyo?

Grace: A, Danvil Plans, ito yung dating Berkley na pag-aari ng Amerikano pero binili na ng PIlipino...

Abet: Ah, insurance plan... ano nangyari dun sa mga dating plan holder ng Berkley?

Grace: Syempre inabsorb na namin... Syempre, pababayaan ba namin sila? PIlipino pa ba ang magpapabaya sa kapwa Pilipino.

Abet: (Ay si Grace sumo-social relevance... tingnan natin later)


Grace: Ano nga pala ang gusto mong gift? Bago yung mga bags diyan...


Abet: PAYONG!


Doon dumating ang babaeng matangkad. Hindi naman pangit. Naka-braces. Straight ang buhok. Hindi ko pa nakuha ang pangalan niya.


At ditto na nag-start ang lahat... wow, ngayon pa lang nagsimula.


In-assist ako ni new girl papasok sa isang kwartong maraming bilog na table for three. At may tig-tatatlong upuan. May mga pitong lamesa ang occupied. Pares-pares. Isang naka-korporakada/korporado at isang jam-jam lang ang suot. Pinaupo ako. upo naman ako. binigyan ako ng form at pinapilapan.


Form another. Fill up n aman ako... mga pertinent info hanggang sa huli, may question regarding dreams. Whats your dream, for yourself, for you family, for your children. Ito yung part na hindi ko sinagutan. Bisibisihan si girl text text hanggang sa i-excuse me ko na siya. at iyun. Umupo na siya sa table namin at binasa ang mga pinagsusulat ko...


Girl: Hi Alvert... Im Crissy... (Kung anu-ano pa) So You’re a Sagittarian, Alvert... Ako rin, Dec. 1..... Alvert pareho pala tayo, Alvert... (at kung anu ano pang words attempting leading to bonding)


Pero dahil sa tinawag niya akong Alvert.. hindi ko na naintindihan ang mga pinagsasabi niya. I didnt actually catch her name.


Inulit niya ang lahat ng nakasulat sa papel... anong pangalan ko, saan nakatira ang mga kaapaelyido ng nanay ko, ang mga kaapelyido ng tatay ko, at sinabi niyang kaya ako maputi ay dahil tiga pampanga ang mga nanay ko... ay hindi, tiga marikina ako... first sign na hindi siya nakikinig pa...


Nababagot na ako nung inuulit niya lahat ng nakasulat sa form... shet, akasya ito ng oras... payong..payong.. hindi aksaya ito ng oras... payong... tapos nakita ko siyang nakangiti, labas ang braces niya... shet... nakakatawa ang itusra niya. Since hindi pa naman ako nakakaranas ng ganito, pinatulan ko na lang. Game!


Binaligtad niya ang form. Nakit aniyang walang nakasulat sa credit limit ng credit card ko.


Girl: Alam mo Alvert, tamang hindi mo nilagay kung magkano ang credit limit mo Alvert... hindi naman iyun mahalaga Alvert...


Abet: Ay hindi ko talaga alam... I dont really care... kasi niyaya lang ako ng freind ko na kumuha ng credit card...


Girl: Teka, Alvert... natatandaan mo pa ba kung sino yung nagrefer sa iyo dito ha, Alvert?


Abet: Si Grace


Girl: E Ako, Kilala mo pa ba...


Co-employee 1: Uy Crissy, nakausap mo ba si...


Abet: Tingin sa side... Kris?


Inilabas ni Crissy ang kanyang folder na ang first page ay full name niya na sa sobrang bilis ay Cristy lang ang nabasa ko.


I’m Cristy something something... i graduated form Something Santo Thomas...


Since nahiya ako dahil hindi ko nagets agad ang name niya, nawala na naman ako sa focus. Hanggang sa marinig ko na lang na pinag-uusapan na namin ang blank lines sa tanong tungkol sa dreams ko...


Crissy: (Lagyan na nating iya ng name, ngayong pinakita n iya ang papel niya) wala ka bang dreams lahat may dreams.


Abet: Wala...


Crissy: mahalaga kasi ang dreams...


Abet: Wala...


Crissy: Ang dreams mo kasi sa parents mo... (tingin sa kabilang side ng papel) sa wife mo... may wife ka na? At anak... diba dapat may pangarap ka for them?


Abet: Naku, ayoko ng mag-isip for this.


Crissy: Hindi mo kailangang mag-isip, take it from you heart. (Remember may braces siya... so imagine how she speaks...)


(Shet: Theater Workshop: Emotional Journey: kailangan maging teary eyed) So since sinabi ko na naman na game.. kinuha ko ang papel at sinulat, happiness.


Crissy: Alam mo ba Alvert, Happiness ay isa sa pinakamadaling salitang isulat pero pinakamahirap makamtan. I will ask you Alvert? What makes you Happy? (Dito nagsimulang magging puppy eyed siya at nagsmile.. braces)


Abet: (Hala, bakit may ganitong tanong... ang vague at sa itsura niya... braces!) contentment.


Crissy: What really makes you Happy? Ilang taon na kayong kasal?


Abet: Wala pa?


Crissy: Kahit yung pagsasama ninyo, gaano na kayo katagal magkasama?


Abet: Two years...


Crissy: Okay lang iyun. At least sa iyo naka-apelyido ang anak mo...


Abet: KAsal na kami.. wala pang one year...


Crissy: How old is your baby alvert?


Abet: 5...


Crissy: ang aga mo naman palang nagkaanak.. ilang taon ka na ba?


Abet: 25?


Crissy: ay marami talagang ganyan, mga 20 pa lang, nagkakaanak na...


Abet: 5 months...


Crissy: A, so Alvert. Kinasal lang kayo dahil sa pangangailangan. (Sinabi niya ito na parang na-judge na niya ako) Alvert, Life is like that. May mga bagay na nangyayari sa atin na hindi pinaplano, parang mga aksidente


Abet: Ay hindi, that was planned.


Crissy: I Like you Alvert. Always smilng, like you have no problems... Adventurous, always happy, (mga bagay ng tungkol sa sagittarian) But you know what alvert. I know people around you thinks that you are happy. Your parents thinks you are happy, your wife, your baby thinks you are happy.. but I know alvert. You are not happy. You have problems that you co not share with your parent.


Abet (Shet na-judge na talaga niya ako. Emotional Journey 2: bawal tumawa: Teary Eyed)


Crissy: So what makes you happy Alvert?


Abet: Contentment?


Crissy: Alvert, What makes you Happy?


Dito ko na-realize na hindi niya ako titigilan hangga’t hindi ko naibibigay gusto niyang sagot...


Crissy: What do you want your family to have, Alvert? Are you still providing for your family, Alvert? (Paalala, next level ang pagsunod niya sa mga rising falling intonation)


Abet: Oo...


Crissy: What do you want your family to have?


Abet (Kung anu-ano ang sinabi)


Crissy: Yes Alvert. That all means you want the ”Best” for your family...


Naglabas na siya ng mga bond papers sinulatan ito ng “Best” May kakaiba pala silang way ng pagsusulat. Pabaligtad so that mababasa nung kaharap nila ang sinusulat nila. Such talent I must say. Opo, nadistract na naman ako.


Crissy: (Napansing nakatingin ako sa Best) Why do you want the best for your family?


Abet: Because that’s how it should be?


Crissy: Why do you want the Best for your Family Alvert?


Abet: (Hala, hindi ko alam ang sasagot ko...) Because i do not settle for less. (Hindi akshali alam kung saan galling yun)


Crissy: That’s right Abet you shouldn’t settle for less. So, What makes you Happy Alvert. (mas mataas na ang boses at nanlalaki na ang mga mata pero nakalabas pa rin ang braces sa pagkakasmile)


Abet: (Pangatlo na ito... anong gagawin ko... pakiramdam ko, hindi na matago ng smile ko ang awkward na moment) Payong?


-------------------------



Sorry, ang haba... ate lampas 45 minutes ang uspan.. pero masaya naman... pahinga muna...


Okay go...


Marami pa siyang kung anu-anong tinanong. Kung paano ako nagse-save? Kung anu-ano ang mga bangko ko. Sempre sinabi ko lang, BPI, kasi yun yung credit card ko. And the conversation continued.


Hanggang sa map[unta nga ang topic sa “Saving.” pinakitaan pa niya ako ng graphics ng Spending over Saving and Saving over spending. And asked me what the difference is. I said none.


Crissy: Tama ka Alvert, Wala... pero actually mayroon. Alam mo ba Alvert kung ano ang dalawang klase ng tao?


Abet: (Shet! Dalawang klase. That’s everything opposing. Mayaman-Mahirap, Manloloko-nagpapaloko, malaki-maliit, Filipino-Foreigner... shet hindi ko alam.. e may tamang sagot sa kanya.. anong isasagot ko) Maganda at Pangit?


Crissy: Ang dalawang tao Alvert ay ang mayaman at mahirap...


Abet: (Shet, Naisip ko iyun e)


Crissy: At ang kaibahan nila, Yung mayaman, inuuna ang saving bago ang spending...So Alvert, inilagay mo dito na 10K to 18 K ang sweldo mo monthly... magkano ang kaya mong i-save monthly?


Abet: Mga ten thousand...


Crissy: Magkano ang kaya mong i-save?


Abet: (Shet mali na naman ang sagot ko)


Crissy: (Mataas ang boses, nanlalaki ang mata at nakangiti’t nakalabas ang braces) Magkano ang kaya mong i-save.


Abet: Between 5 to 10 thousand?


Crissy: alam mo Alvert. Mapaglaro talaga ang tadhana... i am not suppose to be the one to talk to you... alam mo ba alvert, my boyfriend and me broke up just yestherday. Hindi dapat ako papasok but then pumasok ako. My manager told me not to, but I did to. so ito nakausap pa kita. And you know what alvert. I like you. Kasi para sa mga tiga UP you’re humble. Yung mga tiga-UP mayayabang...


Abet: Mayabang ako...


Crissy: Then Tiga UP ka nga... Hindi ka kasi mayabang...


Abet: Mayabang ako.


Crissy: And you know what Alvert... sobrang mapaglaro ang tadhana, dahil ikaw ang ibinigay na maging client ko today... Do you have a nickname...? kasi nahihirapan akong i-pronounce ang name mo?


Naging teary eyed na siya... bumulong ako.


Abet: Abet


Crissy: Magkapangalan kasi Kayo ng Boyfriend ko...


Abet: Alvert?


Crissy: Pero hindi lang siya Alvert.. Michael Alvert... so May nickname ka ba?


Abet: Abet...


Crissy: Ikaw, may nickname ka pala... so Beh, How much are you comfortable to save? Is this comfortable with you?


Sinulat niya sa bond paper ang 2,300.


Abet: Okay naman...


Crissy: Pero prior to that, you will have to give an opening amount...


Sinulat niya sa papel ang 26K plus.


Abet: Okay lang naman...


Crissy: Are youcomfortable with this two amounts as your savings?


Abet: Okay. So if ever, kukunin ko siya, magkano ang magiging ending niyan?


Crissy: Well, you will be saving 2,300.00 for five years then you will wait for another ten years then you will received P250,000.00.


Abet: How much yung lump sum nung lahat ng ise-save ko for five years?


Crissy: Almost half yun nung makukuha mo. Ah talga


Abet (Computing in his mind) so that is 2,000.00 times twelve... times 5


Crissy: (Naglabas na naman ng folder) so para hindi ka na mahirapang mag-compute...


May pinakita si Crissy na maliliit na sulat. Hindi ko mabasa. Tapos sinara niya ang folder.


Crissy: Pero ditto Be, friends tayo.. huwag mong isiping ahente ako.. hindi ako nagbebenta ng insurance. I am just explaining to you our company.


Crissy: Diba you work at ABS CBN? Alam mo bang nagging client ko si Nini Matilac...


Abet: (Sino nga ulit si Nini, kilala ko siya) Ah yung Tibo?


Crissy: Diyan ko siya kinausap diyan sa table na iyan... (turo sa table na katabi n amin).. so Be, how much is your credit limit?


Abet: Hindi ko alam e...


Crissy: Bakit hindi mo alam?


Abet: KAsi kinuha ko lang iyan kasi kailangan namin ng friend ko ng credit card that time. So pirma lang ako ng pirma kaya iyun. Nagkacredit card ako...


Crissy: Hindi mo ba tinitingnan sa bills mo?


Abet: Ay hindi ko ino-open ang bills ko kasi I pay before the deadline.. and I check it via internet...


Crissy: Okay. O sige. Be, Patingin nga ng Credit Card mo?


Abet: (inilabas ang credit card. Confident) Ito.


Crissy: (TInawag ang manager. At kinausap) HI Ma'am, this is Mr Albert Cruz, he work at ABS...


Manager: Ow, Kilala mo si Nini Matilac?


Abet: Opo, yung tibo?


Hawak pa rin nila ang credit card ko. binigyan ako ni Crissy ng isa pang papel na pipilapan...


Crissy: Ilagay mo na lang diyan kung sino yung mga beneficiaries mo... Ilalagay mo ba ako?


Abet: Ano ang difference nitong dalawa...

Crissy: Yung I, yung mga p[ermanent na, yung R, yung mga pwede mong palitan. So ilalagay mo ba ako?

Abet: (SMile nang maliaki) Hindi...


Crissy: (Smile din) Tera Abet. Hawakan mo na lang itong Credit Card mo tapos ikaw na ang mag-abot..


Dinala ako ni Crissy sa corner kung saan may booth na parang teller ng bangko. May lalaki sa loob at may kamera sa taas. Shet. Kukunin na nila ang 24 K ko...iniabot ko ang credit card ko at tumingin sa kamera at ngumiti.


Crissy: I Like You Alvert... hindi ka katulad ng ibang clients na ang hirap kausap. Ikaw mabilis ang pick up mo...


Abet: Thank you.


Binalik ng lalaki ang credit card...


Lalaki: Ayaw pumasok...

Lumapit si Manager... kinuha ang card...


Manager: Tatawagan lang namin yung BPI okay.


Binalik ako ni Crissy sa table namin. May dala na siyang mic.


Crissy: Ipakikilala kita sa lahat ha....


Abet: Naku huwag n a nakakahiya naman (Best akting ako sa part na ito)


Crissy: Be, ito na lang ang thank you ko sa iyo.


Tinalikuran ako ni Crissy at nagsalita...


Crissy: Hello, let’s welcome Mr. Albert as our new member...


Nagpalakpakan ang mga tao. At ako naman parang nanalo ng award kung makangiti. Lumapit sa akin lahat ng ahente at kinamayan ako... okay naman ako... masaya dahil sa desisyon ko.


Lumapit si Manager sa amin.


Manager: e 900 na lang pala ang laman nito eh, tapos may 3K na SIP... magkano ba credit limit nito?


Abet: (Nakangiti after the elating kamayan) Ay hindi ko po alam...


Kinausap ni Manager si Crissy habang nakatingin sa akin ang ibang mga empleyado na nagtataka.


Lumapit ulit sa akin si Crissy.


Crissy: So mayroon kang three nine sa credit card... magkano ba ang laman ng ATM mo?


Abet: Ay syempre, walang laman ang ATM Ko, sa sweldo pa... pagkapasok kasi ng sweldo syempre, aalisin mo na doon diba?


Crissy: DApat pala Be, sa sweldo ka na lang napadaan ditto...E may Cash ka ba diyan?


Abet: Siyempre, pambili ko ng battery...


Crissy: Magkano yun: 1,000,00.


Crissy: Ayan may 4,900 ka na... teka, baka pwede naman tayo sa student plan.. you can open with 6,900 and have a monthly of 1,400.00. pero you would have to pay that in 7 years... pero we can upgrade it...


Abet: Ay sayang naman, 4,900.00 ang pera ko... what if bumalik na lang ako...


Crissy: One time offer lang kasi ito...


Abet: Ay, sayang naman...


Crissy: Then, Friends na lang tayo...


Abet: Okay... so saan ko makukuha yung Payong....


Crissy: Ay mamaya na iyon, play ka muna dun sa 888,888.88 game...


Abet: Gusto ko na lang yung payong...


Crissy: sige na, basta yung balato ko ha... so i played the slot machine with 8 numbers na kailangang ma match which is the 888,888.88 peso game. Natalo ako syempre.


Paglabas namin, dinala ako ni Crissy sa Babaeng Robot.


Babaeng Robot: (Smiling, nagkaemosyon) Thank you sir, here is your reward.


At nakuha ko ang gusto ko after isang oras... Payong! Blue!

(Repost from my Multiply and Facebook Account)

No comments:

Post a Comment